Kahit ayaw niya at tumatanggi na siya kay Mikel patuloy pa rin siya nitong pinamimili ng mga bagay na first time siyang magkakaroon. Lahat pa ng pinamili sa kanya ni Mikel ay mga branded at sobrang mahal na parang nakakahinayang sa pera. "Hindi ko naman kailangan iyan,' tanggi niya kay Mikel habang nasa bag section na sila ng kilalang luxury brand. "Para may magamit ka pag isasama kita sa party o di kaya family gathering," tugon nito sa kanya habang pinapapili na siya nito. "Family gathering? Pwede ba kong isama sa mga ganong party?' Tanong niya. Alam naman kasi niya na tinatago siya ni Mikel sa maraming tao, so syempre kabilang na ang pamilya nito. "Of course isasama kita para naman makilala mo ang pamilya ko," nakangiting tugon nito sa kanya. Natigilan siya at hindi nakakibo. Bakit

