"Nagustuhan mo ba ang mga pinahanda ko, Liyah?" Tanong ni Mikel sa kanya nang patapos na silang kumain nito, kapwa na sila nasa dessert. Tahimik kasi sila kanina habang nasa main course, dahil nga gutom siya at nais niyang masulit ang bawat masasarap na pagkaing nasa harapan niya at nag focus na muna siya sa pagkain nila. "Oo naman, masarap ang lahat ng pinahanda mo," tugon niya at dinampot ang baso niyang may lamang tubig. Inalok siya ni Mikel ng wine kanina pero tumanggi siya, hindi sa natatakot siyang uminom at malasing may tiwala siya kay Mikel, hindi pa kasi siya sanay uminom at baka mahilo siya at sumama ang pakiramdam hindi niya maintindihan ang mga pag-uusapan nila ni Mikel. "Great, habang andito ka sa bahay pwede kang mag request ng gusto mong ipaluto kay Manang Lita, siya ang

