Pakiramdam niya may nakatingin sa kanya, kaya naman nagmulat siya ng mga mata, at hindi nga siya nagkamali nang makita si Mikel sa may paanan ng kama at nakatingin sa kanya. Nagulat pa siya at napabalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga at naupo sa kama. "Mikel,' bulong niya sa pangalan nito at pasimpleng nagpunas ng kanyang bibig baka kase hindi lang niya alam may dumi pala siya kata titig na titig sa kanya si Mikel. "Hi," bati sa kanya ni Mikel matapos nitong bumuntong hininga. Hindi kasi nakaligtas ang pagtaas ng malapad nitong dibdib. "Nakahanda na kasi ang dinner kaya umakyat na ko para gisingin ka," saad nito sa kanya. "Ah.. Napasarap yata ang tulog ko," nahihiya niyang saad habang inaayos ang kanyang buhok at pasimple na ring pinupunasan ang kanyang mukha. Wala siyang idea kung a

