"Nagyayabang ka sa akin dahil nasa bahay mo na si Liyah, at pakiramdam mo panalo ka na sa pustahan natin," saad sa kanya ni Kristof sa kabilang linya nang tawagan ang kaibigan para ipagyabang na nasa bahay na niya si Liyah. "Sinabi ko naman sa iyo, Kristof hindi ako matatalo sa iyo pagdating sa babae. Alam mo naman kung gaano ako kagaling diyan," pagmamalaki pa niya sa kaibigan. Sadyang niyang tinawagan si Kristof para ibalita rito ang magandang balita sa kanila ni Liyah. Hindi siya masaya dahil muntik ng mapahamak si Liyah sa tiyuhin nito na siyang naging dahilan kaya ito narito sa bahay niya. Natutuwa lang siya dahil nga nasa bahay na niya ang dalaga. Hindi na siya mag-aalala pa rito dahil nasa poder na niya ito. Nasa library naman siya at mag-isa lang siya roon. Sound proof naman an

