"Good evening, everyone," masiglang niyang bati nang marating na nila ni Patricia ang komedor kung saan naroon kumpleto na ang pamilya, naroon din ang asawa ni Mayor Mark na si Yanna. "Dumating ka rin sa wakas," Mark said at napahinto pa ng makitang may kasama siya. Nasa tabi niya ang kanyang asawa at nasa braso niya ang mga kamay nito. Halata niyang naiilang ito at hindi kumportable. Pasimple niyang hinaplos ang kamay ng asawa, para kahit papano mabawasan ang kaba nito at maging kumportable naman ito. Parang huminto naman ang oras sa mga kasama nila roon at kay Patricia lahat nakatingin. Tiyak naman niyang nakikilala ng mga ito si Patricia dahil kilala rin naman ang mga Ramos sa bayan nila. Iyon nga lang hindi alam ng mga ito na asawa niya si Patricia. "May kasama ka pala, Vice Mayor,