Napa wow siya nang makita ang bawat laman ng paper bag na dala ni Miko sa kanya. Lahat galing sa luxury brand at talaga namang magaganda. "May taste siya eh," bulong niya. Aaminin niyang medyo natuwa siya nang sabihin ni Miko sa kanya na isasama siya nito sa bahay ng pinsan nito para mag dinner. At least may ibang tao nang makakakita sa kanila ni Miko na magkasama. At baka ipakilala na rin siya nito bilang asawa nito. Isa sa nais niyang mangyari ay ang i acknowledge siya ni Miko bilang asawa nito at hindi na sana itago pa, lalo na sa mga kapamilya nito at malapit na kaibigan. Mas maiintindihan pa niya kung mas nais ni Miko na huwag muna siyang iharap sa publiko. Isa itong politician kaya pwedeng proteksyon sa kanya ang hindi muna makilala ng marami. Pero pati kasi ang mga kamag anak ni