Dalawang araw ang lumipas mula nang magkaroon sila ng matinding away ni Patricia. Sa loob ng dalawang araw wala silang kibuan ng asawa sa loob ng bahay, lagi silang nag-iiwasan nito. Sa tuwing kakain siya hindi pa bumababa ang asawa niya at kung kakain naman na ito, nasa itaas na siya o di kaya nakaalis na siya. Halos hindi na nga niya nasisilayan ang magandang mukha ng asawa sa laging pag iwas nito sa kanya. Hanggang ngayon mukhang naghahanap pa rin ng paraan ang asawa niya para makabayad ng malaking halaga sa banko. Hindi naman niya pwedeng sabihin rito na itigil na nito ang paghahanap ng trabaho dahil wala naman talagang utang na dapat bayaran. Plano lang niya at ng Mama at Papa nito ang lahat, para sana magka ayos na sila ng asawa, lalo na't nalalapit ang eleksyon at siya naman na tat