Kinabukasan pagbaba niya wala na sa bahay si Mikel at tanging mga kasambahay na lang ang naroon. Mabuti na lamang at mababait ang mga ito sa kanya at magalang na para bang amo na rin siya ng mga ito. Kaya naman nahihiya siyang kumilos sa harapan ng mga ito. Mukhang train ang mga kasambahay ni Mikel dahil napaka professional ng mga ito kung makitungo sa kanya at sadyang napakagalang pa. Hindi niya nararamdaman na bisita lang siya roon at pabigat kay Mikel. "Kanina pa po ba umalis si Mikel?' Tanong niya sa kasambahay habang kumakain siya ng almusal. Nakaligo na siya at nakahanda na sa pagpasok sa university. Hindi siya naka uniporme dahil nga napunit ang suot niya kahapon dahil sa mga nangyari. Pinagpapasalamat na lang niyang hindi niya naiwan ang bag niya sa bahay na iyon kaya makakapasok

