CHAPTER 17: SA SOBRANG SAMA NG LOOB KO, HINDI ko napigilang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. "Alam mo 'yon, para bang hindi niya talaga ako anak. Mula noon, hanggang ngayon. Hindi pantay ang tingin niya sa akin at sa mga kapatid ko," bumuntonghininga ako. Ako 'yong tipo ng tao na hindi kayang kimkimin nang mag-isa ang problema. Kapag problemado ako, madalas na ilabas ko 'yon kay Nora o kaya naman kay Aris. At ito ako ngayon, ikinukwento ang problema ko sa taong alam kong balang-araw, masasaktan ko. "Maybe because you're their first child. Baka ang ibig niya lang sabihin sa 'yo, ikaw dapat ang gumagabay sa mga kapatid mo," mahinahong paliwanag niya sa akin. Umiling ako. "Hindi e, sinabi niya na rin sa akin 'yan. Pero hindi ako kumbensido. Pakiramdam ko hindi niya ako anak kahit n