CHAPTER 18: MABILIS NA LUMIPAS ANG MGA ARAW. Pero kahit na mabilis na lumilipas ang araw, pakiramdam ko mabagal pa rin. . . Dahil ang tagal kong magkaroon ng lakas ng loob na makipaghiwalay kay Stefano. Ang totoo, hindi ko na alam kung paano. Iyon ay dahil sa paglipas ng mga araw, mas nahihirapan ako. Minsan nga hiniling ko na lang na sana hindi siya ganoon kabait para naman kahit papaano, less 'yong pangamba. Ang kaso hindi, sa sobrang bait niya kasi ay natatakot akong saktan siya. Ma-imagine ko pa lang na umiiyak siya nang dahil sa akin, naaawa na ako e. "Ano, ateng? Nakapag-decide ka na ba sa plot ng susunod mong webtoon?" Humigop si Nora ng kape sa mug na hawak niya. "Hindi pa nga! Nabablangko ang utak ko nitong mga nakaraang araw." Napailing si Nora matapos humigop ng kape. "Bla