Sabado ng umaga, kumpleto kaming tatlo rito sa loob ng kuwarto pero hindi rin naman kami maglalagi ngayon sa bahay dahil may kailangan kaming puntahan ngayong araw. Magsusukat ang kambal ng mga susuotin nila para sa kasal ng kanilang Ninong Jerico at ni Hestia, na gaganapin dalawang linggo mula ngayon. Sobrang busy na ng dalawang iyon kaya hindi na rin sila halos nakakadalaw rito. Ang huli pa naming pagkikita ay noong nasa mall na muntik nang mawala si Luna. Sa cellphone na lang kami nagkakausap at binalita nga niya sa akin na may fitting daw ngayon ang kambal. “I am sure that Luna will be the most beautiful ring bearer in the whole world!” saad ni Sol habang nakatayo sa harapan ni Luna na kasalukuyang nakaupo sa kama. Nagtataas-baba ang kanyang dalawang kilay at ibinuka pa niya ang dala

