“Your hands are so cold, baby… is there something wrong?” Narinig kong sabi ni Sebastian habang nagmamaneho, at hindi ko alam kung ano ang dapat kong magiging reaksyon sa sinabi niya. Kung matatawa ba ako o kung ano. Inipon ko ang hangin sa aking baga at pagkatapos ay marahas na ibinuga iyon. Akala ko ay mawawala ang parang nakadagan sa aking dibdib, pero mas lalo lang yatang lumakas ang kabog ng aking puso. “Hey, is there something wrong, mi corazón? Tell me…” He shifted from his seat as if he is as restless as I am. He sounded so worried. Gusto kong matawa dahil wala man lang siyang ka-ide-ideya na kabado ako kaya nanlalamig ang aking kamay. Bahagyang bumagal ang takbo ng sasakyan hanggang sa tuluyan niya iyong ihinto sa isang tabi. Hinarap niya ako at marahang pinisil ang kamay na

