“Are you ready?” Halos mapatalon ako sa kinauupuan at kung hindi ko lang napigil ay baka natampal ko rin si Sebastian dahil sa gulat. “You startled me!” Napanguso ako habang nakahawak sa aking dibdib. Ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng aking puso. “Oh, sh*t! I’m sorry, mi corazón. Ang tahimik mo kasi…” Napakamot siya sa ulo at humihingi ng paumanhin ang mga matang tiningnan ako. Nakatingin lang kasi ako sa labas habang kinakalamay ang sarili. Nakapasok na kami sa probinsya ng Quezon kaya mas lalo kong nararamdaman ang kaba. Pinilit kong nililibang ang sarili sa magandang tanawin sa labas, nang bigla siyang magsalita. Kaya sa halip na mabawasan ang kaba ko ay mas lalo pa yatang nadagdagan. Pasado alas onse na ng umaga, medyo traffic kanina kaya matagal ang aming biyahe. Eksakto sig

