Bago pa lumipad nang tuluyan ang utak ko at kung saan mapunta ay mabilis na akong nakalayo kay Sebastian. Nakita ko pa ang bahagyang pagkagulat niya nang tanggalin ko ang kanyang braso sa aking bewang. “Uh, s-sorry…” mababa ang boses na sabi niya ngunit hindi ko na pinansin iyon. Tumalikod na ako sa kanya at nagmamadaling bumalik sa pagkaka-abrisyete kay Jerico. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ng kaibigan ko sa akin na para bang ang laki ng kasalanang nagawa ko. “T-tara na sa loob…” Ako na ang humila sa kanya dahil mukhang wala siyang balak na gumalaw. “Ano’ng ginagawa mo? Gusto mo bang mawalan ng best friend? Shutacca!” Hindi ko alam kung paano niyang nasabi ‘yon nang hindi ibinubuka ang bibig, at hindi ko rin alam kung paano ko rin naman naintindihan. Tumigil pa siya par

