“Ate, meryenda ka po muna.” Nag-angat ako ng ulo at naabutan ko ro’n si Hestia na nakangiti sa akin. Pagkatapos ay nagbaba ang tingin ko sa dala niyang isang paper bag. Hindi ko pa alam ang laman pero amoy pa lang ay bigla na akong natakam. Habang sa kabilang kamay naman ay may dalawang baso na nakalagay sa takeout carrier. “Bumili po ako sa labas kay Manang Tessie ng takoyaki. Favorite mo ‘to, ‘di ba?” Inilabas niya mula sa dala-dalahan ang ibinibidang pagkain. Dalawang paper box iyon at ibinigay niya sa akin iyong isa. “Tapos buko juice, ate. Tamang-tama ‘to sa masakit ang ulo.” Bahagya siyang napatawag. “Pabago-bago pa naman po ang klima ngayon kaya siguro masama ang pakiramdam n’yo.” Siya na rin ang naglagay ng straw sa inaalok na buko juice sa akin. Agad naman akong nagpasalamat

