EIGHTY-EIGHT

1952 Words

Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako. Pagkatapos kasi ng mainit na tagpo kanina ay pareho kaming nakatulog muli. Mag-alas sais pa lang kasi yata ng umaga noon at dahil sa pagod ay muling hinila ng antok. Hindi lang iyon, nagising din ako na parang bumabaliktad ang sikmura ko kaya naman halos mabuwal ako pagbangon sa kama. Halos liparin ko ang distansya patungo sa banyo, mabuti na lang din at sinuotan ako ni Seb ng kamiseta kanina kung hindi ay hubo’t hubad akong nagtatakbo sa loob ng kuwarto. Noong makarating sa harap ng lababo, ay doon na ako nagduwal nang nagduwal hanggang sa laway na lang ang lumalabas sa aking bibig. Parang hinahalukay ang aking tiyan. “Oh, god!” Muli akong napaduwal pero wala namang lumalabas sa aking bibig. Mahigpit ang hawak ko sa lababo para kumuha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD