Chapter 7
Dalawang araw nilagnat si Agnes nang dahil lamang sa ginawa ni Calix sakanya noong nakaraang araw sa hotel. Halos paglamayan niya ang kanyang kawawang kipay dahil sa tindi ng pagtatalik nila.
"Papasok kana ba ngayon?"
"Opo" Magalang na sagot niya kay Aling Letty.. Matamlay parin niyang sinusuklay ang kanyang buhok. Medyo wala parin kasi siyang enerhiya. Dalawang araw siyang tinrangkaso. Kakatapos lamang niyang maligo at medyo basa pa ang kanyang buhok.
Ngayon nalang ulit siya nakaligo dahil hindi talaga siya nakabangon ng dalawang araw.
"Okay kana ba talaga?" Sinalat nito ang kanyang nuo. Pinapakiramdaman nito ang temperatura niya kung hindi na siya nilalagnat
"Opo." Maiksing sagot niya
"Nagtext na ba?" Medyo nakataas ng kaunti ang kilay ng matanda sakanya
Umiling siya.
"Hindi mo naman yata ginalingan? Hindi ka rin nakakuha ng mga bagong impormasyon para mapadali--"
"Ginawa ko ho ang makakaya ko. Hindi ko naman akalain na sabik sa laman ang lalakeng iyon. Nakita niyo naman po halos di ako nakalakad ng dalawang araw." Putol niya sa panenermon ng matanda sakanya
"Eh kung ginalingan mo sana, nagkakandarapa na iyon para puntahan ka ulit. Pero tignan mo? Dalawang araw na ang nakalipas, kahit isang text o kahit anino ng Calix na iyon ay hindi na nagparamdam saiyo. Mabuti pang si Megan nalang ang gumawa ng misyon mo"
Hindi nalang niya pinansin ang mga sinasabi nito
"Hinaan niyo ho ang boses niyo Aling Beth. Baka may makarinig sainyo. Mabulilyaso pa lalo ang misyon natin" Napapakunot na ang nuo ni Agnes. Dalawang araw na kasi siyang sinisisi nito.
Aling Beth ang tunay nitong pangalan. Ngunit Aling Letty ang pakilala nito sa mga amo nila.
"Tss. Kung si Megan nalang sana ang ipinanghain kay Calix baka mas magaling pa iyon saiyo"
"Kaso ho hindi na birhen si Megan." Naiinis niyang turan. Palagi nalang kasi siyang kinukumpara ni Aling Letty kay Megan. Isa sa mga kasamahan niya sa misyon na ito.
Napaismid naman ang matanda sakanya. Nauunawaan naman niya kung bakit nagmamadali ito. Dalawang taon na kasi itong nagtitiis sa mansyon katulad niya. Upang makamit lamang nila ang hustisya na kanilang minimithi.
Nakasimangot tuloy siyang lumabas ng mansyon. Upang sumakay ng pam-publikong bus patungo sa kanilang paaralan. Nauna na kasing pumasok sila Zamara at Zedrick. Akala ng mga ito hindi pa siya papasok sa araw na iyon
Buong araw siyang matamlay.
Hindi siya pinapansin ni Zedrick at Zamara nang makasalubong niya ang mga ito sa kanilang campus. Mukhang hindi nagustuhan ng dalawa ang ginawa niyang pagsama sa nakakatandang kapatid ng mga ito
Ngunit nang pauwi na siya ay nilapitan siya ni Zedrick.
"Can we talk?" Seryosong tanong nito sakanya
Napabuntong hininga siya. Wala siyang nagawa kundi pagbigyan ito. Dinala siya nito sa likod ng kanilang paaralan kung saan walang gaanong tao ang nagagawi doon
"Bakit ka sumama sa kuya ko?" Galit nitong tanong sakanya
"K-Kung tungkol kay Sir Calix ang pag-uusapan natin. Ayokong pag-usapan iyon Zed. Masama parin ang katawan ko kaya kung pwede sana umuwi na tayo" Matamlay parin ang kanyang boses.
"Hindi mo ba alam na basura ang tingin ng kuya ko sa mga babae? Bakit ka pumayag mapasali sa mga laruan niya?! Ganyan ka ba talaga kababang klase ng babae?!"
Napapikit siya dahil mariin ang pagkakasabi ni Zedrick sa bawat salitang binitiwan nito
"Kailangan eh." Para bang may bumara sa lalamunan niya dahil sa kanyang naramdaman na panliliit
Hinawakan ni Zedrick ang kanyang kamay
"You should have ask me for help. Kaya naman kitang tulungan Agnes eh.--"
Tinangal niya ang kamay ni Zedrick. Nasaktan yata ito sa ginawa niya dahil dumilim ang awra ng gwapong mukha nito
"Hindi mo ko matutulungan Zed. Ginawa ko lang ang nararapat--"
"How much? Magkano ang ibinayad sayo ng kuya ko para lang maikama ka niya?! Tell me! Kaya ko rin magbayad! God damn it! Are you a slut? Kung sinabi mo lang sana sakin nung una palang! Pera lang pala ang katapat para maikama ka--"
Isang sampal ang dumapo sa pisngi nito kaya't naputol ito sa panghuhusga sakanya.
Natigilan ito at para bang nagsisi agad sa lahat ng mga masasakit na salitang binitawan nito. Nakita nito ang pait at panliliit na kanyang nararamdaman mula sa kanyang namumulang mga mata
Wala siyang masabi kahit ano kaya naman tumalikod na siya at naglakad palayo rito. Nais sana niyang tumakbo ngunit hindi pa kaya ng kanyang p********e. Makirot pa iyon besh! Hindi pa niya kayang makatakbo. Mabuti nalang nga nakakalakad na siya eh.
Hinawakan nito ang kanyang pulsuhan. Sinundan agad siya nito upang pigilan
"W-Wait. Damn I'm sorry Agnes--"
"Tama ka naman Zed eh. Slut ako. Oo sumama ako sa kuya mo para maikama niya"
Natigilan ito. Nakita niyang nasaktan ito
"Y-You really had s*x with my brother?" Namumula na ang mga matang tanong ni Zed sakanya. Para bang hindi nito matangap ang kanyang mga sinabi
Hindi siya manhid. Alam niyang matagal ng may gusto si Zedrick sakanya. Ngunit kaibigan lamang ang turing niya sa binata. Magiging sagabal lang ito sa misyon niya. Hindi naman ito mahirap mahalin. Kung hindi nga lang naging ganito ang sitwasyon, baka noon pa niya na-crush back si Zedrick. Dahil napakagwapo rin nito at napakabait pa. Ngunit wala talaga siyang naramdaman na kahit anong spark kapag kasama niya ito. Bilang kaibigan lang talaga ang turing niya para rito.
"Oo. Calix and i had sex."
Nabitawan nito ang kanyang kamay. Para itong natulala sa sinabi niya.
Napakuyom ang kamao nito. Pagkatapos ay huminga ito ng malalim at muling hinawakan ang kamay niya
ZEDRIC POV
"T-That okay. Let's just forget everything. Umuwi na tayo"
Naisip ni Zedrick na pang one night stand lamang ang habol ng kanyang kuya Calix sa dalaga. Matatangap parin niya si Agnes kahit naialay na nito ang sarili sa kuya niya
Kilalang kilala na ni Zedric ang kanyang kuya Calix. Laruan lang para sa kuya niya ang mga babaeng nakakasama nito.
"Did he call you after?"
Umiling si Agnes habang hawak parin niya ang kamay nito. Nakasakay na sila ngayon sa likod ng kanilang kotse. Nasa harapan ang driver nilang si manong buboy at nasa passenger area naman si Zamara. Masama parin ang loob ni Zamara kay Agnes dahil hindi nakinig sa dalaga sa mga payo nila
"Ganoon talaga ang kuya ko. Don't worry hindi kana niya guguluhin." Kinabig niya ang ulo ng dalaga upang yakapin ito
Tila nalungkot naman si Agnes sa sinabi niya. May kirot tuloy siyang naramdaman sa puso niya. Dalawang taon na niyang minamahal si Agnes. Ngunit naunahan siya ng kanyang kuya Calix. Ngayon lang siya nagalit ng husto sa kapatid niya
Pagdating nila sa mansyon napakunot ang nuo niya. Naroon kasi ang sports car ng kanyang kuya Calix.
Anong ginagawa nito sa mansyon?
Magkahawak kamay silang pumasok ng mansyon.
"Baby girl dalawang araw lang akong nawala pinagpalit mo nako agad ha?"
Napatiimbagang si Zedric nang marinig niya ang pilyong boses ng kanyang kuya Calix. Nakasandal ito sa pader na malapit lamang sa entrance ng malaking pintuan ng mansyon. Mukhang inaabangan talaga sila nito.
Napakunot nuo siya dahil mukhang seryoso ang mga mata ng kanyang kuya Calix habang nakatingin ito sakanilang mga kamay ni Agnes kahit nakangisi ito nararamdaman niya ang talim sa mga mata nito
"S-Sir Calix"
Mabilis naman bumitaw si Agnes sakanyang kamay. Nagulat rin ito nang makita nito ang kuya Calix niya
"Baby" Nilapitan nito si Agnes. Mukhang yayakapin nito ang dalaga kaya pumagitna agad siya.
Sinalubong niyang ang tingin ng kanyang kuya Calix. Napansin niyang napatiim bagang ito bago ito napangisi.
Humakbang ito paatras. Mas matangkad si Calix sakanya ngunit hindi naman ito pumapatol sakanya kahit noon pa man.
"What's wrong Zed? Bakit ganyan ka makatingin?"
"Stop pestering my Agnes kuya!" Mariin niyang sambit. He almost tasted his bitterness.
Inis na inis kasi siya. Nakuha na nga nito ang katawan ni Agnes noong nakaraan. Ano pa bang gusto nito? Huwag nitong sabihin na nagustuhan nito si Agnes?
"Your Agnes?" Napataas ang kilay ng kuya niya sa kanyang sinabi
"Yeah. I know you can read between the lines."
Tumawa si Calix. Tinapik nito ang kanyang balikat.
"She's my baby. Tanong mo pa? Diba baby Agnes? Kanino ka ba talaga?"
Napalunok naman si Agnes dahil sa tensyon nilang magkapatid.
"Mga buang kayong dalawa kuya Zedrick at Kuya Calix! Huwag niyo nga dinadamay si Agnes sa mga kabuangan niyong dalawa! Tara na nga Agnes!"
Doon palang tila natauhan si Zamara. Inis na inis ito sa mga kuya nito. Hinila nalang nito ang kamay ni Agnes palayo sakanila.
Samantalang nagsukatan naman sila ng tingin ng kanyang kuya Calix. Nawala na ang pilyong ngiti nito. Naging seryoso na ito at parang galit rin sakanya
"Are you serious about her?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Calix sakanya
"Don't you dare touch her again Kuya. Seryoso ako kay Agnes. I really love her. Mahal ko si Agnes kuya--"
"She's not for you. May makikilala ka pang ibang babae. You're too young for that Zed. Huwag mong seseryosohin ang pag-ibig. Kasi kapag sineryoso mo yan ikakalugmok mo yan. Hindi siya deserving maging babaeng mamahalin mo. She's just a toy. Mamili ka ng babaeng nararapat para sayo."
Nais niyang suntukin ang kuya Calix niya. How dare him to say that?
"We had s*x in a hotel room two days ago. Walang matinong babae ang sasama sa isang lalakeng hindi niya naman nobyo para makipagtalik. You're wasting your time Zed. Sinasayang mo lang oras mo sa mga babaeng nilalaro lang dapat. Stop liking her. She's my toy now. Maghanap ka nalang ng ibang mamahalin mo. Marami ka pang makikilala diyan. Huwag lang si Agnes"
CALIX POV
Hindi malaman ni Calix kung saan galing ang mga nasabi niya. Ofcourse hindi naman ganoon ang pakiramdam niya para kay Agnes. Pero parang gusto niyang siraan ang dalaga upang hindi na ito gustuhin o mahalin ng kapatid niya
Hindi niya alam kung anong rason niya. Bastat naiinis siya sa kanyang nakakabatang kapatid ngayon.
Dalawang araw siya sa South Korea dahil sa naging meeting nila ng South Korean Airline. Dalawang araw rin hindi maalis sa isip niya ang dalagitang nakasama niya sa hotel noong nakaraang araw. He can't forget the best s*x of his life. Nais niyang ulit-ulitin iyon
"Pero si Agnes ang gusto ko kuya. Hindi mo ko mapipigilan." Matapang na sambit ni Zedrick sakanya. Parang gusto niya tuloy balian ng leeg ang kanyang kapatid sa unang pagkakataon
Tangap parin nito ang babaeng iyon kahit naikama na niya? Pambihira!
Naningkit ang kanyang mga mata
"Huwag kang magulo Zed. Kanya kanyang baby girl tayo. Humanap ka ng iba" Nahimigan nito ang iritasyon sa kanyang pananalita kaya napalunok ito
"Don't tell me nagustuhan mo ang nangyari sainyo kaya narito ka sa mansyon kuya?" Kunot nuong tanong ni Zedrick sakanya
Ngumisi siya
"Infact, balak kong tumira ulit rito" Itinuro niya kay Zedrick ang kanyang maleta. Naroon iyon sa di kalayuan sa kinatatayuan nila.
Nanlaki ang mga mata ni Zedrick
"Damn you kuya!" Halos namula ang buong mukha ni Zedrick bago ito lumapit sa maleta niya at sinipa nito iyon