Chapter 8
"Bilisan mong mag-bihis Agnes, Pinapatawag ka ni Sir Calix!"
Dama ni Agnes ang kasabikan sa pagkakasabi ni Aling Letty sakanya ng bagay na iyon.
"Ho?"
"Ang sabi ko bilisan mo na riyan, Pinapatawag ka ni Sir Calix sa kwarto niya. Mukhang successful ang misyon mo noong nakaraan. Pasensya kana hija kung minaliit kita. Akala ko kasi hindi umubra ang alindog mo sa babaerong yun eh!"
Napapangiti si Aling Letty dahil sa naging resulta ng kanyang misyon.
"Mukhang napapakagat na natin siya sa patibong. Mas galingan mo pa ineng. Tandaan mo nasaiyo nakasalalay ang lahat. Salamat talaga ha? Balang araw makukuha rin natin lahat ang hustisya."
Kung kanina ay masaya pa ang tono ng boses nito, nahaluan na iyon ngayon ng kalungkutan. Marahil naalala nito ang dahilan kung bakit nila ginagawa ang misyon
Kahit kapalit pa ng kanyang dignidad ay handa siyang isakripisyo ang kanyang sarili.
Subalit, masakit pa ang kipay niya.
Napalunok siya. Hindi pa siya handang sumabak muli sa pakikipagtalik kay Calix dahil may kaunting dugo pa nga ang lumalabas mula sa p********e niya. Simula nang makipagtalik siya kay Calix sa hotel ay nagkaroon na siya ng kaunting spotting. Sa tuwing iihi siya at mayroon kaunting dugo. Ibang klase kasi ang pagbayo ng lalakeng iyon. Umabot pa yata sa sinapupunan niya.
"Sige ho." Matamlay niyang sagot habang nagbibihis ng kanyang uniform bilang katulong. Wala pang trenta minuto nang umuwi sila ng mansyon at maabutan nila si Calix na naroon. Nagkainitan ang magkapatid dahil sa kanya kaya naman hinila na siya ni Zamara palayo sa mga kuya nito
"Layuan mo ang dalawang baliw kong mga kapatid Agnes. Lalo na ang kuya Calix ko, hindi ka sasantuhin ng isang iyon. Baka laspagin ka lang nun eh. Sige na magpahinga kana" -- Iyan ang huling sinabi ni Zamara sakanya kanina pagkatapos siyang ihatid sa kanilang kwarto sa mansyon
Kasama niya sa iisang kwarto si Aling Letty. Ang alam kasi ng mga tao sa buong mansyon, Anak siya ni Aling Letty.
Ramdam niya kanina na masama parin ang loob ni Zamara sakanya. Sino ba namang hindi sasama ang loob sakanya? Pinatulan niya ang kuya Calix nito para lamang sa pera? Bumaba siguro ang tingin ng mga ito sakanya.
Pero wala siyang magagawa. Alam niyang mas mabigat ang rason niya kaya niya ginagawa ito. Hahayaan niyang mag-isip ang mga ito na mababang klase lamang siya ng babae. Ang mahalaga magawa niya ang kanyang misyon
Pero, speaking of her mission, paano niya kaya magagawa ng maayos ang misyon niya? Gayong, nakita lamang niya ulit si Calix kanina ay napasikdo na ang puso niya?
Nais niyang batukan ang sarili dahil sa kanyang naging reaksyon. Hindi niya kontrolado ang emosyon niya. Pakiramdam niya kasi, kinilig siya nang makita niya itong muli
"Magpabango ka ineng. Heto mabango ito."
Tipid siyang ngumiti kay Aling Letty. Mabait naman ang ginang sakanya. Marahil kinabahan lang rin ito noong nakaraang dalawang araw dahil iniisip nitong pumalpak na ang misyon nila
"Salamat po" Tinangap niya ang iniaabot nitong baby cologne.
"Galingan mo ha? Para mabaliw na ng husto sayo ang babaerong iyon. Upang makakuha kana ng mga impormasyon tungkol sa kaso"
Tumango siya.
"Gagawin ko ho ang lahat para sating lahat."
Tinitigan siya ni Aling Letty. Bahagyang namula ang mga mata nito.
"Salamat hija. Alam kong mahirap rin para sayo ang isakripisyo ang sarili mo para sating lahat. Maraming salamat sayo." Hindi na nito napigilan ang mapayakap sakanya. Ngayon palang kasi ay nararamdaman na nito na magtatagumpay sila sa kanilang misyon
Mapait siyang napangiti. Para rin siyang mapapaiyak ngunit pinigilan niyang maging emosyonal. Pinatatag niya ang kanyang sarili.
Pagkatapos niyang makapagbihis, dumiretso na siya agad sa kwarto ni Calix sa ikalawang palapag ng mansyon. Sa bandang dulo.
Huminga muna siya ng malalim bago siya kumatok sa kwarto nito
"Come in"
Napalunok siya. Pinagalitan niya ng pasimple ang kanyang sariling puso. Boses palang kasi nito ay napapatalon na ang puso niya
Marahil kinakabahan lang siya? Right.
Nakayuko siyang pumasok sa loob ng kwarto ni Calix.
"S-Sir Calix pinatawag niyo raw po ako" Magalang niyang usal pagkapasok niya sa loob ng malamig na kwarto nito
"Hi baby girl"
"Ayyy!!"
Napatili siya ng maramdaman niyang kinarga siya nito. Napatingin tuloy siya sa pilyo ngunit sobrang pinagpala nitong mukha. Napakagwapo ng walanghiya! Mukhang bagong ligo lang ito. Tanging puting tuwalya lamang ang suot suot nito kaya ramdam niya ang hubad nitong pangangatawan!
"Magugulatin ka naman." Nakangising sabi nito bago ito nagsumiksik sa kanyang leeg habang buhat buhat siya. Tila inamoy amoy nito ang leeg niya bago iyong nilantakan
"Sir!"
"Hmm.Ang bango talaga ng baby ko."
Mukhang dadalhin siya nito sa kama nito!
Naalarma tuloy siya! Lalo na nang sakupin nito ang kanyang labi ng mapusok na halik habang patuloy ito sa paglakad patungo sa bedroom nito. Nanlaki ang kanyang mga mata.
Ganito ba ang pag-welcome back nito? Bakit halikan agad? Wala man lang kamustahan? Dalawang araw itong hindi nagparamdam sakanya tapos ngayon kung makahalik ito ay para bang mauubusan?
"T-Teka po! S-Sir Calix! Ano pong gagawin niyo-" Nagpumiglas siya at hindi niya tinutugon ang mga halik nito. Kaya naman bumaba nalang sa kanyang leeg ang mga labi nito. Sinipsip pa nito ang gilid ng kanyang leeg!
"Uhmmm dalawang araw akong nagtiis Agnes. Pagbigyan mo muna ako."
Naramdaman kasi nito ang pagtangi niya. Panay ang pagpupumiglas niya hangang sa ihiga siya nito sa isang malambot na kama
"Teka lang po!"
"I can't wait baby. Kanina pa ko naninigas. Iniisip ko palang na uulitin natin yung ginawa natin--"
"Hindi po pwede. Masakit pa po yung kipay ko Sir!" Reklamo niya
"I'll be gentle.. Dahan dahanin ko lang--"
Hinubad agad nito ang kanyang panty! Natigilan ito nang makita nito ang panty liner na may bahid ng dugo sa gitna ng panty niya.
"Oh.. You have your period baby?" Kunot nuong tanong ni Calix
Umiling siya. Itinaas niyang muli ang kanyang panty. Nakakahiya dahil nakita pa nito ang kaunting dugo mula doon
"Wala po. May dugo pa po kasi ako simula nang may mangyari satin sa hotel nagkaroon na ako ng spotting. Sobrang sakit pa po talaga" Mangiyak-ngiyak na niyang pagtangi
Napalunok ito.
Doon palang ito tila natauhan. Napansin kasi nito ang takot sa kanyang mga mata.
"Oh I'm sorry. Masakit ba talaga baby? You mean dinudugo ka simula nung naghotel tayo?" May pag-aalala sa mga mata nito. Umalis na rin ito sa pagkakapatong nito sakanya.
Hindi naman niya inaasahan na makakakita siya ng pag-aalala sa mga mata nito. Marunong palang maawa at mag-alala ang babaerong lalakeng ito? Tss. Impossible!
Lalo pa siyang nagulat nang alalayan siya ni Calix upang makaupo siya sa kama. Dahan dahan siyang napaupo mula sa pagkakahiga niya.
"Nag-spotting po ako dahil tinodo niyo yang batuta niyo sakin."
He close his mouth. Para bang nais nitong mapangiti. Hindi nito inaasahan na matatawa ito sa salitang ginamit niya upang ilarawan ang pagkalalake nito
"Hindi ko pa po talaga kayang makipagtalik ulit.."
"Natatakot kana siguro sa gagawin natin? Natrauma ka ba?" nag-aalalang tanong ni Calix nang mapansin nito ang takot sakanyang mga mata
Tumango siya
"Medyo po"
Inakbayan siya nito. Inayos pa nito ang buhok niya. Isa sa mga napansin niya sa binata ay para bang likas na malambing ito. Palibhasa babaero!
"Look I'm so sorry. Ikaw palang kasi ang birhen na nakatalik ko. Hindi ko alam na ganyan ang magiging epekto sayo. Sorry ha?"
Saglit siyang natigilan.
Si Calix Hoffman nagsosorry?? Totoo ba yun? Parang hindi niya inaasahan na may ganitong pag-uugali ang binata
"A-Ayos lang po yun." Nag-iwas siya ng tingin sa nag-aalalang mga mata nito. Napayuko nalang siya.
"Hindi ka naman nilagnat?"
"Nilagnat po ako. Dalawang araw akong hindi nakapasok sa school" Nakayuko parin siya habang nakaakbay ito sakanya
Naiinis siya dahil hindi ganito ang inaasahan niyang pag-uugali ni Calix. Bakit parang concern ito?
"Really? I'm sorry Agnes. Hindi kita nakamusta after that day, Nasa south korea kasi ako. May business meeting kami doon. Anyway okay kana ba ngayon?"
Muli siyang napalunok nang salatin ng likod ng palad nito ang kanyang nuo.
Napatingin tuloy siya sa gwapong mukha nito. Bakit bumibilis ang t***k ng kanyang puso?! Halos mabinge siya sa lakas niyon
"W-Wala na po Sir Calix. Nakapasok nako kanina sa school" Nagbaba nalang siya ng tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito
"That's good--"
"Kuya?! Nandiyan ba si Agnes? Open this f*cking door!"
Sabay nilang narinig ang galit na boses ni Zedrick sa labas ng pinto ng kwarto ni Calix.
"May asungot.." Napapangiting sambit ni Calix
"Kakausapin ko nalang po si Zed."
Bahagyang tumaas ang kilay ni Calix.
"About?"
"Babastedin ko na po kahit hindi naman siya nanliligaw. Hindi naman po ako manhid. Alam ko po nagagalit siya sayo dahil may gusto siya sakin"
Napangisi si Calix.
"Ganda yarn?" Ginulo nito ang buhok niya na para siyang isang bata. Pagkatapos kinurot pa ang pisngi niya
Napaawang ang labi niya dahil maypagka-alaskador pala ang bwisit na Calix na ito
Namula tuloy ang kanyang mga pisngi.
"Joke lang. Maganda ka naman talaga kaya nga nababaliw yang kapatid ko eh."
Lalo pa yatang namula ang buong mukha niya. Langya naman! Bakit siya ang kilikilig?! Hindi ito magandang senyales. Baka ikapahamak niya ang pagpapakilig nito sakanya
Napakunot tuloy ang kanyang nuo. Mabuti hindi na iyon nakita ni Calix dahil tinungo na nito ang pintuan upang buksan iyon bago pa man magiba ni Zedrick ang pinto
"Damn you kuya!" Tinulak ni Zedrick si Calix. Hindi man lang natinag ang binata
"Asungot ka. Ano bang kinagagalit mo? Girlfriend mo ba baby ko?" Mapang-asar pang tanong ni Calix sa kapatid nito
Ngunit nanlisik lamang ang mga mata ni Zedrick kay Calix bago ito nagmamadali na lumapit sakanya. Hinila nito ang kamay niya kaya mapatayo siya sa kinauupuan niyang malambot na kama
"Ilan beses ko bang sasabihin sayo Agnes?Huwag kang sasama sa kuya ko!"
Napaawang lang ang bibig niya.
Hinila na siya palabas ni Zedrick. Seryoso lamang ang gwapong mukha ni Calix habang nakatingin ito sakanila
Napansin niyang napatiimbagang ito sa ginawa ni Zed. Ngunit ngumisi rin nang mapatingin siya sa binata.
"Bastedin mo na" Sambit nito sa walang boses. Tanging labi lang nito ang gumalaw upang sabihin iyon sakanya upang hindi marinig ni Zedrick ang kalokohan nito. Pagkatapos ay kumindat pa ito sakanya at nag-senyas na tatawagan siya nito
Parang gustong mapangiti ni Agnes dahil sa pagiging pasaway ng lalakeng ito. Ngunit agad rin niyang pinigilan ang kanyang sarili dahil sa pagiging tanga niya. Hindi siya maaaring mahulog sa babaerong iyon!