Chapter 9 Napatigil si Agnes sa kanyang pagpupunas ng lamesita sa loob ng kwarto ni Calix nang pumasok roon ang binata Kanina pa niya ito hinihintay. Matapos niya kasing kausapin si Zed kanina sa garden ay hindi na niya muling nakita si Calix. Ayon kay aling Letty, umalis daw ang binata sakay ng kotse nito. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Kaya naman naisipan niyang maglinis sa buong kwarto ni Calix. Matagal na itong hindi umuuwi ng mansyon kaya't natuwa siya sa balita na dito na ito pansamantalang titira sa mansyon. Mas masasakatuparan na niya ang kanyang misyon. Subalit, Napaawang ang kanyang bibig nang pumasok ito sa loob ng silid nito. Hindi ito nag-iisa sapagkat may kasama itong babae! Naghahalikan at naghaharutan ang mga ito habang papasok sa loob ng silid kaya hindi siya