Chapter 56 Pagkatapos kong iiyak ang lahat ng sama ng loob ko bumalik na ako sa pagtatrabaho. Nakakahiya naman kasi kay Susan. Napatagal na yung pag-hingi ko ng oras sakanya. Bumalik na rin sa party sila Tita Monica, Zed at Pamela. Nangako sila na tutulungan nila akong makausap muli si kuya Calix. Baka raw nagpapakipot lang si kuya at pasasaan ba'y bibigay rin daw ito sakin. Ewan ko ba pero parang hindi ko sigurado kung magagawa ko pang maibalik sa dati ang relasyon namin. Mukhang hindi na kasi siya yung dating Calix na kilala ko eh. Wala na yung kislap sa mga mata niya. Sobrang pagsisisi tuloy ang nararamdaman ko. Kasalanan ko to. Bakit hindi ko muna binigyan ng chance noon si kuya Calix para ipaliwanag yung nangyari. Bakit nagdesisyon agad ako na iwanan siya at kung ano ano pang masa