Chapter 31 "Napapadalas yata ang paglabas niyo ng kapatid ko. May dapat ba akong malaman?" Natigilan si Agnes nang paglabas niya sa kanyang condo unit naroon si Calix na para bang hinihintay talaga siya "K-Kuya Calix" bahagya pa siyang nautal dahil hindi niya inaasahang makikita niya ito ngayong gabi. Kahit magkatabi lang naman ang kanilang condo unit. Palaging busy ang isang ito kaya minsan lamang niya makita. He's wearing plain white tshirt at isang boxer short. Boxer short! Iyon ang dahilan kumbakit napapalunok siya. Ngayon lang kasi niya nakitang naka-boxer short si Calix. Dumoble yata ang kagwapuhang taglay nito kapag ganoon lamang ang suot suot! "Nagliligawan ba kayo?" Kunot nuong tanong ni Calix habang nakahalukipkip pa ang mga braso nito sa bandang dibdib. "A-Ah? H-Hindi p