Chapter 36 AGNES POV Napabuntong hininga muna ako habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng condo unit ni Kuya Calix. Kinakabahan ako pero gusto kong i-abot sakanya ang lunch box na inihanda ko para sakanya "Kuya?" Mahinang tawag ko sa tapat ng maliit na speaker sa gilid ng pintuan pagkatapos kong pindutin ang doorbell Lalo tuloy bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Baka kasi natutulog pa si kuya. Ayokong maka-abala sakanya. Alas-siete palang kasi ng umaga. Pero kailangan kong pumasok sa school ng maaga dahil alas otso ang simula ng first subject ko Naghintay ako ng ilang segundo bago muling pinindot ang doorbell. Bahala na kung magising siya ng dahil sakin. Sayang naman kasi itong carbonara na niluto ko. Maaga akong nagising kaninang madaling araw para makapagluto lamang ng paboritong p