Chapter 37 "Kailangan pa ba niyan?" Naiilang na tanong ko kay Yana nang simulan niyang ahitin ang kilay ko "Ofcourse! Ang kapal ng kilay mo eh. Hindi na tayo high school. Kailangan na nating magkaroon ng on-fleek na kilay no! Lalo na pag gigimik tayo" Napapalunok nalang ako at walang magawa kundi hayaan si Yana sa pag-ahit sa kilay ko. Narito kami ngayon sa loob ng boarding house nila Yana at Cherry. Magka-boardmates sila at pareho silang taga probinsya. Mayayaman ang mga ito sa probinsya kaya sa Manila pinag-aral ang mga ito. Doon sa school namin halos lahat ng schoolmates ko mayayaman silang lahat. Ako lang yung hindi. Napaka-sosyal nga ng boarding house ni Yana at Cherry. Nasa isang kilalang subdivision iyon. Parehong de kotse rin ang mga ito. "Ito ang isuot mo Agnes ha?" Napatin