Chapter 4
Inside the classroom.
"Saan ka pupunta after class?" Kunot nuong tanong ni Zedrick kay Agnes habang nagliligpit siya ng kanyang notebook sa loob ng kanyang bag
"Ha?" Tumingala siya rito. Kunwari wala siyang ideya sa tanong nito at inosenteng nagtataka
"Sabi ni Zamara hindi ka raw sasabay samin pauwi sa mansyon. Why? Saan ka ba pupunta?" Sunod sunod at seryosong tanong ni Zedrick
May mangilan-ngilan na studyante ang napapatingin sakanila dahil kay Zedrick. Palagi kasi itong nakakakuha ng atensyon ng mga studyante doon lalo na ang atensyon ng mga kababaehan.
Isa kasi ito sa pinakagwapong studyante sa kanilang paaralan. Maraming mga babae ang humahanga sa kagwapuhang taglay nito
"A-Ah eh. Makikipagkita ako sa kapatid ko. Kay Gina. Ibibigay ko kasi sakanya yung perang kailangan ng tatay ko" Palusot niya
Ngumiti pa siya upang maniwala ito. Pinagpatuloy nalang niya ang pagliligpit ng kanyang mga gamit
"Sasamahan na kita. Baka gabihin ka nanaman--"
"Huwag na!" Tangi agad niya. Hindi nito maaaring malaman kung saan siya pupunta mamaya. Dahil baka mapurnada pa ang kanilang lakad ni Calix.
Kumunot ang nuo ni Zedrick. Mukhang naghihinala ito na ibang lugar ang kanyang pupuntahan.
"Why? Sasamahan lang naman kita. Masama bang samahan ka Agnes?"
Umiling siya.
"Ayokong makaabala sayo Zed. Nakakahiya naman--"
"Hindi ka makaka-abala sakin. Gusto kitang samahan sa pupuntahan mo"
Napatayo na siya mula sa pagkaka-upo niya sa kanyang upuan.
"N-Naku huwag na Zed. Mauna na kayo ni Zamara. Hindi naman ako gagabihin. Sige ha? Kailangan ko ng umalis eh" Nagmamadali niyang sinukbit ang kanyang bag sa kanyang balikat upang makatakas na siya kay Zedrick
Napakagwapo rin nito. Para itong pinabatang version ng kuya Calix nito. Pero siyempre si Calix ang target niya. May malaki siyang dahilan at rason kung bakit niya ito ginagawa. Isang sikreto muna iyon sa ngayon.
Napangiti si Agnes nang matanaw na niya mula sa kanyang nilalakaran ang kotse ni Calix sa di kalayuan. Naroon na ito at naghihintay sakanya
Nagtext na kasi ito sakanya kanina na susunduin daw siya nito sa kanilang paaralan
"Magkikita ba kayo ni kuya Calix?"
Napahinto siya sa paglalakad dahil sinundan pala siya ni Zedrick hangang sa labas ng campus nila. Unti-unti nawala ang matamis na ngiti niya nang marinig niya ang baritonong boses ni Zedrick sa likuran niya
Dahan dahan siyang lumingon sa gawi nito. Kunot nuo itong nakatingin sakanya at para bang masama ang loob nito
"H-Ha?" Kinakabahang tanong niya. Hindi maaaring mapurnada ang lakad niya.
"Magkikita ba kayo ni kuya ngayon?" May halo ng galit ang tanong ni Zedrick sakanya.
Napalunok siya. Paano niya sasagutin ang tanong nito?
Lumapit ito sakanya at hinawakan ang kanyang kamay.
"Tell me. Anong meron sainyo ni kuya? Nakita ko kayo ni Zamara kagabi hinatid kayo ni kuya Calix. Bakit niyo kasama si kuya? Ginugulo ka ba niya? o Nililigawan?"
Napalunok siya habang nakatingin sa gwapo't seryosong mukha ni Zedrick. Ngayon lang niya nakitang ganito kaseryoso ang mukha nito
Hindi siya nakapagsalita dahil nalunok yata niya ang kanyang dila. Nakakataranta rin kasi ang paraan ng pagtatanong ni Zedrick sakanya
"Alam mo namang babaero ang kuya ko diba? Bakit sa dami ng lalake si kuya pa? Hindi mo ba naisip baka inuuto ka lang ni kuya? Ayokong mapasali ka sa listahan ng mga babae niya--"
"Yo little brother!"
Sabay silang napalingon ni Zedrick kay Calix nang marinig nila ang pilyong boses nito sa kanilang likuran
Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Agnes nang mapatingin siya kay Calix. Halos malaglag ang kanyang panty sa sobrang gwapo nito ngayon. Nakasuot lamang ito ng jogging pants at isang simpleng tshirt. Simpleng simple lang ngunit mukha itong modelo. Ang hot talaga ng babaerong to!
Gwapo rin si Zedrick ngunit iba ang dating ni Calix sa paningin niya.
"Kuya" Kunot nuong sambit ni Zedrick
Ngumisi naman si Calix at saglit itong napatingin sa kamay ng kapatid nito na nakahawak pa sa kanyang kamay
"Sinisiraan mo ko kay baby girl?" Pa-birong tanong ni Calix bago ito tuluyang lumapit sakanila
"Kuya she's just 18. Nauubusan kana ba ng babae? Tss. Pati bata papatulan mo?"
Parang gusto mapangiwi ni Agnes nang marinig niya ang mga sinabi ni Zedrick. Ang tono kasi ng boses nito ay para bang nobyo niya ito na nagseselos
Tumawa lamang si Calix
"She's off limits kuya" Matapang na sambit ni Zedrick at bahagya siyang itinago sa likuran nito. Tila ba winawarningan nito ang kuya nito.
"Marunong ka palang pumili ng babae Zed? That's cool. Pareho tayo ng taste" Balewalang sabi ng kuya Calix nito. Napapangiti ito ngunit matalim ang mga mata sa kamay ni Zedrick na mahigpit parin nakahawak sakanyang kamay
"Ibang babae nalang pag-laruan mo kuya. Huwag naman pati si Agnes isasali mo sa laro mo--"
Mukhang mag-aaway pa ang magkapatid dahil sakanya? Kaya naman pumagitna na siya.
"A-Ah eh Zedrick. Mauna na kayo ni Zamara umuwi. Nagpapasama kasi talaga ako kay kuya Calix" Dahan dahan niyang tinangal ang kamay ni Zedrick sa kanyang kamay.
Tila nasaktan ito sa ginawa niya at di makapaniwala ng lumapit siya sa tabi ni Calix. Kumapit pa siya sa braso ni Calix dahil naamoy niya ang perfume nito. Nakakapanghina kasi ng tuhod ang perfume ni Calix. Sobrang bango nito.
Ngumisi si Calix at inakbayan siya. Napasinghap siya dahil nakaramdam agad siya ng kakaiba. Malakas talaga ang epekto ni Calix sa systema niya at walang kaduda-dudang napapasunod nito ang kanyang katawan. Kaya nga hindi siya nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa halik na pinagsaluhan nila
Bitin na bitin silang dalawa kagabi. Balak nilang ipagpatuloy iyon ngayon sa isang hotel. Iyon ang napag-usapan nila kanina nang tumawag ito
***Flashback phone call***
"Hello?" Nahihiyang sinagot ni Agnes ang kanyang cellphone nang tumunog iyon. Alam niyang si Calix ang tumatawag sakanya dahil sinave na nito ang number nito sa cellphone niya kagabi
"Hi baby. Laro tayo later after class mo?"
Napalunok siya. Iyon agad ang bungad nito? Pero iyon naman talaga ang nais niyang mangyari diba? Ang matuloy ang kanilang naudlot na pagtatalik kagabi
"A-Ah eh. Sige po." Nauutal na sagot niya
"Good. Sunduin kita sa labas ng campus niyo. Don't wear underwears okay?" Pilyong biro pa nito sakanya
Napakislot tuloy ang kanyang p********e sa kapilyuhan nito.
"Uhmm Calix ang aga mo naman nagising? Parang di ka napagod kagabi ah?"
May narinig siyang boses ng babae sa kabilang linya. Boses iyon ng isa sa mga babaeng kasamang iniregalo kay Calix kagabi. Kilala ni Agnes ang boses ng babaeng iyon dahil nakausap niya ito bago pa man sila dinala sa birthday boy.
"Oo nga Calix. Tulog pa tayo. Ang aga aga pa" Isang boses nanaman ng babae ang narinig niya. Iyon rin ang isa pang babaeng kasama niyang iniregalo kay Calix kagabi
So, ginamit parin pala ni Calix ang dalawang iyon kagabi? May kakaibang kirot siyang naramdaman
"M-Mukhang nagpakasaya ka kagabi Sir Calix."
Tumawa si Calix sa kabilang linya
"Nagselos ka naman agad baby girl? Sumakit puson ko. Nabitin ako sa ginawa natin dahil kay Zamara e. I need a release.."
Napabuntong hininga si Agnes. Nais mapa-ikot ng kanyang mga mata sa ere. Napakababaero talaga ng Calix Hoffman na ito
"O-Okay"
"Don't get jealous baby. Sayong sayo lang ako mamaya." Pilyong sabi pa nito bago ito nagpaalam sa kabilang linya
Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Agnes. Bakit siya nakakaramdam ng kirot sa ganito kaaga na sitwasyon? Kailangan niyang maging maingat sa kanyang ginagawa dahil baka mauna pa siyang mainlove sa lalakeng babaero na ito. Matagal niyang pinaghandaan na mangyari ito kaya hindi siya maaaring pumalpak
***End of flashback***
Napabalik sa kasalukuyan ang isip ni Agnes nang matapos niyang maalala ang pag-uusap nila ni Calix kanina
"Ihahatid ko rin si Agnes mamaya" Tila nanalo sa lotto ang babaerong kuya nito habang naka-akbay sakanya
Tinignan siya ng dismayadong tingin ni Zedrick.
"I'm disappointed" Halos mag-ngitngitan ang mga ngipin nito bago ito tumalikod at lumayo sakanila
Napalunok siya. Mukhang galit na galit si Zedrick sakanya. Sa susunod nalang niya poproblemahin kung paano niya ito susuyuin. Ayaw niyang magalit ito sakanya dahil mabuting kaibigan ang turing niya kay Zedrick. Hindi naman kasi ito kasali sa mga plano niya kay Calix.
"B-Baka magsumbong si Zed kay Ma'am monica--"
"Don't worry hindi sumbungero mga kapatid ko. Hindi magsusumbong yun. Hmm anyway namiss kita ah? Ang ganda mo sa uniform niyo.." Pambobola niyo. Inamoy agad ni Calix ang gilid ng kanyang leeg.
Napasinghap siya sa ginawa nito. Baka kasi may mga studyanteng makakita sakanila. Mabuti nalang at walang napapadaan sa mga oras na iyon.
Binola pa siya nito sa pagiging maganda niya sa suot niyang uniporme. Palibhasa maiksi ang unipormeng palda nila kaya kitang kita nito ang mga bilugang hita niya.
"T-Tara na po? Baka may makakita pa satin dito eh.." Inaya na niya ito dahil wala pa yata itong balak umalis doon. Nais pa yata nitong titigan ang kabuoan niya. Medyo manyakis talaga tong amo niya.
"Hmm Okay. Wala ka ng kawala sakin ngayon"