Chapter 3
"Wear this."
Iniabot sakanya ni Calix ang isang hooded jacket na kulay itim. Ipinapasuot nito sakanya ang jacket na iyon dahil napansin nitong nilalamig siya habang nasa biyahe sila patungo sa condo unit ng binata
Kinuha nito ang jacket mula sa likod ng kotse nito.
"Nasuot ko na yan kanina. Mabango naman ako kaya isuot mo na" Pasimple nitong muling hinawakan ang kanyang hita habang ang isang kamay nito ang nagmamaneho ng manibela
"S-Sige po" Nahihiyang tugon niya bago niya isinuot ang jacket nito. Mabango nga! Kasing bango nito iyon.
Saglit siyang sinulyapan nito bago muling ibinalik sa kalsada ang atensyon
Pahimas-himas ito sa kanyang makinis na hita. Paminsan-minsan ay napapapisil pa ito.
"Kailan ka nag-eighteen?" Maya maya tanong nito habang nasa biyahe sila. Mukhang malayo-layo ng kaunti ang condo unit nito mula sa Zachary's Bar na pinangalingan nila
"N-Nung nakaraan lang po"
"Nakaraang araw? Buwan?" Napapangiti nitong tanong. Mukhang good mood ang amo niya
"Nung nakaraang buwan po" Medyo nahihiyang sagot niya. Hindi parin siya komportableng kausapin ito. Ito parin ang anak ng mga amo niya. Nakakahiya talaga pero wala siyang magagawa kundi maki-sabay sa agos. Aaminin niyang gusto rin naman niyang makasama ito. Napakasarap nitong humalik. Ibat-ibang pakiramdam ang napaparanas nito sakanya
"Oh i see. Legal age kana ba talaga ngayon? Last time na nakita kita sa mansyon parang ang bata-bata mo pa"
Kyimi siyang napangiti. Napansin rin naman pala siya nito noon?
"L-Last year pa po yun Sir Calix. Tumaba po kasi ako this year"
Napakagat labi ito at napapisil sa kanyang hita
"Kaya nga eh. Di kita nakilala kanina." Tila nasasabik na itong makuha siya ngayong gabi. Napapakagat labi pa nga ito.
Iniwasan nalang niyang mapatingin sa gwapong mukha nito dahil mas lalo itong nagiging gwapo sa pagiging pilyo nito
Talagang certified player itong amo niya.
"Kinakabahan nga po ako kanina. Baka makilala rin po ako ng ibang pinsan niyo."
"I don't think so? Dalaga kana ngayon eh."
Muli nanaman nitong pinisil ang hita niya. Mukhang nang-gigigil na talaga ito sakanya.
Napalunok siya. Nag-iinit ang buong katawan niya mula pa kanina. Nasasabik na siya sa laro na nais gawin ni Calix sakanya.
Mayroon siyang malalim na dahilan kung bakit niya ito ginagawa ngunit sa susunod na niya pahahalagahan dahil ang mahalaga lang ngayon ay makasama niya si Calix buong gabi
"We're here."
Kinabig nito ang kanyang batok upang halikan ang kanyang labi. Nanlaki ang kanyang mata dahil kaka-hinto palang ng kotse nito sa parking lot ng condo. Sinungaban na agad nito ang labi niya
"Uhmmm. Sir Calix"
Pinakawalan nito ang labi niya bago ito ngumisi. Mukhang excited na talaga itong makatalik siya.
"Don't tell this to anyone okay? Baka isipin nila pumapatol ako sa bata. Dalaga ka naman na eh diba? Wait, Patingin nga ng I.D mo?"
"H-Ha?" Mapungay ang mga matang tanong niya kay Calix.
Muli siyang kinabig ni Calix upang halikan muli.
"May dala ka bang I.D? Gusto ko lang makasigurado na legal age kana. Ayokong makulong"
Napakurap kurap siya dahil habang nakikipaglaplapan ito sakanya ay iyon ang sinasabi nito sa pagitan ng paghahalikan nila
Nang-hihingi ito ng I.D niya habang kahalikan siya? Ibang klase!
"M-Meron po" Sagot niya habang tinutugon parin ang mga halik nito
"Patingin?" Halos sakupin na nito ang buong bibig niya. Napapahigpit rin ang pagyakap nito sa kanya habang mapusok siyang hinahalikan
"N-Nasa email address ko po. Pwede kong ipakita uhmm sayo mamaya"
"Ngayon na."
"Wala pong computer dito--"
"Fine. Doon na nga tayo sa condo unit ko" Napapangisi ito. Mukhang natatawa ito sa sarili nito dahil hindi ito makapaghintay na halikan siya. Hindi pa nga sila bumababa sa kotse nito eh.
"Sige po" Hinihingal na sagot niya. Inayos niya rin ang kanyang buhok.
Lumabas ito ng kotse bago ito umikot upang pagbuksan siya ng pinto.
Bababa na sana siya ngunit napatili siya ng bigla siyang kinarga nito.
"Ayyyy!!!"
Ngumisi ito. "Ganyan yung gusto kong tili mo mamaya baby girl."
Napakapit nalang siya sa batok ni Calix dahil kinarga siya nito na para bang bagong kasal sila.
Napakapilyo talaga!
Napapayuko siya sa dibdib nito dahil nahihiya siya. Napatili kasi siya ng malakas dahil sa ginawa nitong pagbuhat sakanya
"Ang gaan mo. Kayang kaya kita ibalibag mamaya"
Kinabahan siya sa sinabi nito. Agad siyang napatingin sa gwapong mukha nito. Natawa ito sa kanyang reaksyon. Halata kasi sa kanyang facial reaction na natakot siya
"Don't get me wrong baby girl. Hindi naman kita sasaktan." Natatawang sambit ni Calix
Napalunok siya. Naroon na sila sa loob ng elevator patungo sa condo unit nito.
Mabuti nalang at wala silang ibang tao na nakakasalubong dahil nakakahiya ang itsura niya ngayon. Para siyang naka-panty lamang habang karga karga siya nito. Ang laki laki kasi ng jacket nito.
"Huwag niyo po akong ibalibag Sir--"
Tumawa ito kaya napatingin siya sa gwapong mukha nito. Ang ganda ganda pala ng mga ngipin nito? Ang kinis kinis rin ng mukha nito dahil ang lapit lapit ngayon ng mukha nito sakanya. Wala man lang siyang makitang pores mula balat nito. Para bang naka-filter ang mukha nito sa sobrang perfect.
"Pinapatawa mo naman ako. Ofcourse not. Ibang balibag ang tinutukoy ko. Don't worry" Hinalikan nito ang lips niya bago ito lumabas ng elevator. Karga karga siya nito ng walang kahirap hirap
Ibinaba siya nito sa malambot na kama nito nang makapasok sila sa loob ng malaking condo unit nito.
Para silang pumasok sa isang executive suite dahil sa ganda ng buong condo unit ni Calix. Dito ito nakatira kaya minsan lang ito umuuwi sa mansyon.
"Mamaya ko na icheck yung I.D mo. I can't wait to f*ck you" Pilyo nitong sambit
Hindi na nakapaghintay pa si Calix. Hinalikan nanaman siya nito. Pumatong agad ito sakanya.
"Pagsasawaan kita buong gabi baby girl" Bulong nito sakanyang tenga habang mapusok siyang hinahalikan sa kanyang labi at leeg.
Ngunit isang tili ng babae ang nagpatigil sa ginagawa nila
"Ahhhhh Kuyaaaa!!!!"
Napabangon ang isang magandang babae sa tabi niya kaya pareho silang napatili
"Ahhhhh!!!" Tili niya
"Damn! Zamara?! What the hell are you doing here?!" Gulat na tanong ni Calix sa babaeng kakagising pa lamang
Natutulog ito sa malaking kama ni Calix.
"Oh my Gosh kuya Calix! Get out!" Nakatakip na ang mga kamay nito sa mga mata nito
Kinakabahan si Agnes dahil baka makilala siya ni Zamara. Kapatid ito ni Calix at kaklase niya rin ito katulad ni Zedrik. Kakambal kasi ito ni Zedrik. Ito rin ang bunsong anak ng mga amo niya
Tumalikod agad siya at pilit niyang itinatago ang kanyang mukha. Napapadasal siya na huwag sana siyang makilala ni Zamara.
"Damn! Anong ginagawa mo dito Zamara?!" Galit na tanong ni Calix sa kapatid nito
"I thought hindi ka uuwi ngayon kuya because it's your birthday celebration diba?! My gosh! Kaya nakitulog muna ako dito sa condo mo dahil nagtatampo ako kay mommy ayokong umuwi sa mansyon!"
"Anak ng.. Damn it!" Napahilamos si Calix sa mukha nito dahil hindi nito inaasahan na naroon ang bunsong kapatid
"Isusumbong kita kay Manang Letty kuya! Pati tong si Agnes dadalihin mo?"
Napapikit si Agnes dahil nakilala na pala siya ni Zamara! Napakatalas talaga ng mga mata nito.
Hindi nakapagsalita si Calix. Iritable lang nitong ginulo ang buhok nito.
"Damn Zamara huwag kang epal. Umuwi kana nga--"
"No! Uuwi lang ako sa mansyon kapag hinatid mo kami ni Agnes!"
Napayuko na ng husto si Agnes dahil sa kahihiyan.
"H-Hindi siya si Agnes. Ibang babae to. Baka kamukha lang" Niyakap ni Calix ang ulo niya na para bang itatago pa nito kay Zamara ang mukha niya
Kahit buking na buking na silang dalawa. Lalo siyang napapikit sa kahihiyan.
"Anong hindi? Kitang kita ko na kanina ang mukha ni Agnes. Huwag mo ng pagtakpan kuya! Diba Agnes? Ikaw yan diba? Bakit ka sumama dito kay kuya Calix? Lagot ka kay kuya Zedrik magseselos yun!"
Hindi siya kumibo.
"Tara na Agnes. Ihahatid na tayo ni kuya Calix sa mansyon. Hoy ikaw kuya Calix balak mo pa isali ang kaibigan ko sa mga babae mo? Isusumbong kita kila mommy kapag hindi mo kami hinatid!"
"Hays. Wrong timing ka naman kahit kailan Zamara!" Ginulo ni Calix ang buhok nito sa sobrang inis sa kapatid
"Tara na Agnes!"
Akmang hihilahin na siya ni Zamara ngunit pinigilan ito ni Calix
"Oo na oo na ihahatid ko na kayo. Mag-uusap lang kami mauna kana nga don" Iritado parin ang boses ni Calix palibhasa nabitin ito
Inirapan ito ng kapatid nito.
Naramdaman niyang lumabas na ng kwarto si Zamara.
"Damn. Mag hotel nalang tayo mamaya?"
Napanganga siya sa sinabi ni Calix
"H-Ha?"
"Hindi ako makakatulog kung hindi kita maaangkin ngayong gabi."
"Paano po?"
"Ihahatid ko kayo sa mansyon. Pero after few minutes aalis rin tayo. Mag check in nalang tayo"
"P-Pero baka magtaka si nanay kapag umalis ako ulit. Sa susunod nalang po magpapaalam ako kay nanay ulit"
Kumunot ang nuo nito. Lalo yata itong nainis.
"Ano bang paalam mo sa nanay mo kanina?"
"Birthday lang po ng kaibigan namin. Iyon ang paalam ko kay nanay kaya pinayagan ako"
"Hays. Tsss" Napabuntong hininga si Calix sa sobrang inis. Ginulo nanaman nito ang sariling buhok nito.
"Kuya ano ba! Tara na! Ihatid mo na kami ni Agnes!" Sigaw ni Zamara sa likod ng may pintuan.
Parang gusto magmura ni Calix sa sobrang inis sa bunsong kapatid nito.
"Just give me your number baby. Itetext nalang kita kung saan tayo maglalaro.." Kinuha ni Calix ang cellphone number niya bago sila hinatid ni Zamara sa mansyon. Binura niya muna ang kanyang makeup at nanghiram siya ng jogging pants ni Calix at isang simpleng tshirt nito. Naiwan niya kasi sa Zacary's bar yung pamalit damit niya eh.
"Ikaw ha? Bakit mo kasama ang kuya ko? Balak mo bang madisgrasya Agnes?" Iritableng tanong ni Zamara sakanya habang nasa likod sila ng kotse ni Calix.
"N-Nagkataon lang Zamara." Kinuwento niya kay Zamara ang nangyari. Kung paano sila nauwi ni Calix sa condo unit nito.
Sinabi niya kay Zamara ang tunay na dahilan at kung bakit kailangan niya ng malaking pera
"Lagot ka talaga kay kuya Zedrik. Magagalit yun"
"Huwag mo nalang sana sabihin kahit kanino Zamara. Lagot ako kay nanay kapag nalaman niya to"
"Bakit hindi ka nalang lumapit sakin? O dikaya kay kuya Zedrik? Tutulungan ka naman namin. Alam mo namang mga kaibigan mo kami. Kaysa gawin mo ang bagay na yan"
Napabuntong hininga nalang si Agnes.
"Mabuti nalang nailigtas kita diyan sa babaero kong kuya. Naku hindi ka sasantuhin ng isang yan. Sayang ang pagkabirhen mo diyan kay kuya Calix hays.."
Hindi sila naririnig ni Calix dahil halos nagbubulungan lamang sila ni Zamara sa likuran.
Nang makababa sila sa mansyon ay saglit pa siyang lumingon kay Calix. Kunot na kunot ang nuo nito at parang inis na inis parin sa kapatid nito.
"Huwag mo ng isali tong si Agnes sa mga babae mo kuya ha? Hindi ako magsusumbong kila mommy pero lubayan mo tong kaibigan ko. Gurang kana eh!" Tumakbo na si Zamara habang hila hila siya nito palayo sa kotse ni Calix
"What?! You little brat! Bumalik ka rito sinong gurang sinasabi mo??" Inis pang sigaw ng kuya Calix nito