Pamela

1580 Words

Chapter 48 PAMELA POV Ilang buwan na rin akong nakakulong. Somehow alam kong deserve ko to. Mukha kasi akong pera eh. Nagpangap akong ibang tao para lang makakuha ng malaking pera Kahit alam ko namang may masamang motibo yung taong pinagsisilbihan ko. Wala akong choice. Kailangan ko ng pera. Ang hirap talagang maging mahirap sa mundo. Pero nagkamali ako eh. May choice pala talaga. May choice tayo kung kakapit ba tayo sa patalim o lalaban tayo ng patas sa buhay? Sana pala mas pinili kong lumaban ng patas. Wala siguro ako sa sitwasyon ko ngayon. Wala siguro ako sa selda. Sana hindi nalang ako nagpa-alipin sa pera. Sana hindi ko niloko si Calix. Siguro malaya parin ako ngayon sa labas, wala paring pera pero atleast wala akong pinagsisisihan Sana mas pinili kong maging mabuting tao.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD