Chapter 11 "Agnes.." Napatigil sa paglabas ng kanilang classroom si Agnes nang hawakan ni Zedrick ang kanyang pulsuhan Halos isang buwan siyang iniwasan ni Zedrick. Hindi ito sumasabay sa kanila ni Zamara sa tuwing papasok sila sa kanilang paaralan. Zedrick stay away from him simula nang tumira sa mansyon si Calix. Ito na mismo ang umiwas sakanya. Ikinalungkot nga niya ang pang-dededma nito sakanya nang ilang linggo. Ngunit okay na rin iyon dahil nasagawa niya ang kanyang misyon nang maayos at walang sagabal. Hindi na kasi sila pinapaki-alaman ni Zedrick simula nang maging bed-mate siya ni Calix. Nirespeto nito ang gusto niya. Dumistansya ito sakanya nang isang buwan. Kaya naman bahagya siyang nagulat nang lapitan siya nito ngayon. Kakatapos lamang ng last subject nila at ready na si