Chapter 12 Danica POV "Ate Danica" Hindi inaasahan ni Danica na ang taong mabubungaran niya sa tapat ng kanyang condo unit ay walang iba kundi ang nakakabatang kapatid ng ex boyfriend niya. Si Zedrick Hoffman. Nakilala niya agad ito kahit pa namumugto ang mga mata nito. Kahawig talaga nito si Calix noong teenager pa ito. Hindi maikakaila na magkapatid ang mga ito at iisang dugo ang nananalantay sa katawan ng mga ito. They were extremely beautiful man. Oo magagandang lalake ang mga ito. Iyong tipo ng mga lalakeng mababango at malilinis sa katawan? Unang kita mo palang ay masasabi mo nang mabango kahit hindi mo pa man naaamoy? Sobrang linis kasi sa pangangatawan ng magkakapatid na ito. But tonight, Zedrick looks different. Basang basa ang buong katawan nito. Mukhang naligo ito sa ulan