Chapter 11

2505 Words
MARAMI nang natikmang cassava cake si Lucian pero iyong mumurahin pa ang nagbigay sa kaniya ng satisfaction. Cassava cake was his favorite. Mas gusto niya itong kanin kaysa cake na gawa sa cake flour o kahit doon sa nabibiling branded at mamahalin. Gusto niya ang creamy toppings ng cake, malasa at sakto lang ang tamis. Kaya dapat tama lang na hindi na niya kinuha ang sukli kay Aniya. And speaking of Aniya, a woman started impressing him secretly. How does she do those multitasking jobs in one day while studying? Nakatutulog pa ba ito? Katatapos lang ng klase nila sa unang asignatura. Matatagalan pa ang second subject kaya tumambay siya sa science garden sa tapat ng laboratory. Nagbabasa siya ng libro habang nakadikuwatrong nakaupo sa bench. Mas gusto niya roong tumambay kasi tahimik. Mamaya ay naglabasan ang mga estudiyante mula sa laboratory. Saglit lang naman ang ingay dahil kaagad nagsialisan ang mga ito. Pero may isang babae na lumapit sa kaniya. Umupo ito sa gawing kaliwa niya. “It’s nice to see here, Lucian. It’s been six months since the last time we met in the hospital. Hindi kita matiyempuhan dito. Ito pala ang tambaya mo,” a woman said. He knew her. It was Kimberly. He didn’t bother to face her. Nagpatuloy siya sa pagbabasa. “Uhm, nasabi na ba sa iyo ni Tita Miranda ang tungkol sa birthday ko sa Sunday?” anito. “Yes,” tipid niyang sagot. “So, pupunta ka ba?” Hindi siya kumibo. Lumapit pa ang dalaga na halos magkiskisan ang mga braso nila. “I was expecting you to go on Sunday. Your family has invited, and you can invite your friends, too.” “Sorry, I’m not interested. I have important to do on Sunday,” aniya. “But…” “Excuse me,” aniya saka tumayo. Paalis na siya nang kumapit si Kimberly sa kanang braso niya. Hindi niya ito nilingon. “Bakit ang cold mo na sa akin? Dati naman ay close tayo lalo noong mga bata pa tayo. Meron ka bang hindi nagustuhan sa akin?” may hinampong sabi ni Kimberly. “Nothing. I just want to be alone.” Marahan niyang binawi ang kaniyang braso. Nabitawan naman nito iyon. Paalis na siya nang may grupo ng estudiyante na nagtatawanan habang patungo sa laboratory. Their noise irritates his ear. Lalong lumakas ang tawanan. Nang sipatin niya ang mga ito ay napako ang paningin niya sa babaeng nasa gitna. It was Aniya, laughing out loud as she could not breathe. At the same time, her gay friend and tall woman share a funny story. “Akalain mo ‘yon? Ang yayabang ng mga lalaking iyon pero ikaw lang pala ang magpapatiklop sa mga tuhod nila? Sana all siga!” sabi ng isang babae. “Matatapang lang naman ang mga iyon kapag narito sa campus. Pagdating sa labas akala mo mga batang uhugin,” ani ni Aniya saka muling tumawa. “Loka-loka! Baka tambangan ka sa barangay ninyo at pagkaisahan ka,” sabi naman ng bakla. “Hindi nila ako kaya! May backup akong pulis!” pagyayabang pa ni Aniya. Malinaw sa pandinig niya ang usapan ng mga ito. Pagkaintindi niya, pinagtripan na naman ng mga lalaking kaaway nito si Aniya. Nakatutok lang siya sa tatlo at nakalimutan niya na naroon pa si Kimberly. Mamaya ay nahagip siya ng paningin ni Aniya. Tumigil ito sa pagtawa. Iniwasan niya ito ng tingin at nilingon niya si Kimberly. “Pasensiya na, babalik na ako sa classroom,” paalam niya saka tuluyang lumisan. Hindi naman siya kinulit ni Kimberly. Pagkatapos ng klase ay hindi na nag-report sa ospital si Lucian. Dumiretso siya sa kanilang bahay upang asikasuhin ang kaniyang kotse. Kotse ng mommy niya ang ginamit niya nang pumasok sa school. Hindi pa rin siya makapaniwala na kayang yupiin ng malaking asong humarang sa kaniya noong gabi ang bubong ng kaniyang Jaguar. Binigyan naman siya ng daddy niya ng pera na pampaayos ng kotse. Namaneho niya ito patungong auto repair shop. The damage of the car may eat more money. The shop’s staff said they need to replace the damaged roof since the scratch was deep. His dad gave him one hundred thousand to repair the car. It’s okay, and he’s willing to pay for the vehicle. “Ano ba ang nangyari rito sa bubong ng kotse n’yo, sir?” tanong ng manager ng shop habang tinitingnan ang bubong ng kotse. Kung sasabihin niya na dinaganan iyon ng malaking aso, hindi ito maniniwala. “Nadaganan ng natumbang puno,” sabi na lamang niya. “Mabuti hindi nabasag ang salamin sa bintana. Pero kakaiba itong gasgas, ah, ang lalim, parang kinalmot ng malalaking kuko,” anito. Hindi lamang siya umimik. Nagbigay na siya ng down payment para masimulan na ang pag-aayos ng kotse. Pagkuwan ay iniwan niya ito roon. Sumakay lang siya ng taxi patungo sa mall. Bibili lang naman siya ng art materials sa bookstore. Gusto niyang ipinta ang hitsura ng malaking aso na sumalakay sa kaniya. Nang mabili ang kailangan ay nag-ikot muna siya sa bilihan ng cellphone. Hindi na siya komportable sa luma niyang cellphone at gusto niyang palitan ng mas malaki ang memory para makapag-save siya ng maraming files at picture na kaniyang reference sa pagpipinta. Lumapit siya sa kilalang brand ng cellphone at namili ng latest model. May nag-assist sa kaniyang babae. Inalok nito sa kaniya ang malaki at mahal na cellphone. Habang tinitingnan ang feature ng naturang cellphone ay bigla na lang sumagi sa kaniyang balintataw si Aniya, at ang pagkasira ng cellphone nito dahil sa kaniya. “Kukunin n’yo po ba ito, sir?” tanong ng sales lady. Pagtingin niya sa presyo ay napakunot siya ng noo. Forty-three thousand ang halaga nito pero mataas ang memory at magaganda ang features. Mayroong mas mura at malaki rin ang memory. “Itong isa na lang,” sabi niya saka itinuro ang nagkakahalaga ng fifteen thousand. “Sige po, bubuksan natin,” anang babae. Naghintay siya na mabuksan ang cellphone at pinakita sa kaniya ang features nito. Nang makontento ay lumapit na siya sa counter upang magbayad. May free pang portable mini fan ang cellphone. Nang makuha ang cellphone ay naisip niyang ibenta ang luma niyang cellphone. Nai-save muna niya lahat ng files sa kaniyang e-mail. May pinag-iipunan kasi siya at kailangan niya ng malaking budget. Kaya tinitipid niya ang allowance na binibigay ng parents niya. He’s going to hire a private investigator to find his biological parents. And if he gets the exact details, he will go to where his parents are. He was happy with his adopted parents, but sometimes, he felt that something was missing. His life was incomplete. Gusto pa rin niyang makilala ang totoo niyang mga magulang at nang malaman niya kung ano ba ang nangyari bakit iniwan siya ng mga ito sa labas ng bahay ng ibang tao. Hindi naman siya naghinanakit dahil alam niya na may malalim na dahilan bakit iyon nagawa ng kaniyang mga magulang. He found a cellphone repair shop accepting second-hand phone swapping and buying. Pumasok siya at lumapit sa counter. Abala ang matabang lalaki sa loob at may inaayos na cellphone. “Excuse me,” aniya. Nabaling naman sa kaniya ang atensiyon ng ginoo. “Uh, ano po ang atin, sir?” nakangiting tanong nito. “May ibebenta sana akong cellphone,” sabi niya. “Anong unit?” Pinakita naman niya rito ang luma niyang cellphone. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang cellphone. Hinawakan pa nito iyon. “Teka, latest model pa ito, ah. Mahal pa ang bentahan nito. Nasa sampung libo pa ito,” sabi nito. “Okay lang po kahit magkano ang kaya niyong presyo,” aniya. “Walong libo, puwede na ba?” Tumango na lang siya. Puwede na rin iyon. Noong magtanong kasi siya sa private investigation agency kung magkano ang service fee ng agents, depende raw sa ipapagawa niya. Alam niya kulang pa ang sampung libo. Meron naman siyang thirty thousand pesos na ipon sa bangko mula sa kaniyang allowance. Ang mommy niya ay koripot magbigay ng allowance, isang libo isang araw. Pero kung para sa simpleng tao, malaking halaga na iyon kaya hindi na siya naghahangad pa ng mas malaki. Maswuwerte pa rin siya. Ang daddy naman niya ay nagbibigay lang sa kaniya ng pera kung merong emergency na gastusin katulad ng nasira niyang kotse. Ayaw rin niyang waldasin ang pera ng mga ito sa walang kuwentang bagay. Kaya hindi siya basta humihingi. Naghihintay lang siya kung kailan siya bibigyan. “Sandali lang, hijo, ah. Maupo ka muna,” sabi ng ginoo. Umupo naman siya sa bench sa gawing kaliwa ng counter. Habang naghihintay ay nag-explore muna siya sa bago niyang cellphone. Mamaya ay may maingay na pumasok. Pero pamilyar sa kaniya ang tinig ng babae. “Mang Fred! Okay na kaya ang phone ko?” sabi nito nang makalapit sa counter. Nag-angat siya ng mukha. He sighed when he saw Aniya in front of the counter. Gusto na niyang tanungin ang tadhana bakit palagi niyang nakikita ang babaeng ito kahit sa ganoong lugar. Is it coincident? “Naku! Eh hindi pa dumating ang na-order kong bagong LCD ng cellphone mo, eh. Bukas pa raw darating. Pero sigurado naman na maaayos ko na iyon bukas. Puwedeng sa Linggo mo na lang balikan para sigurado,” sabi ng ginoo. Humaba ang nguso ng dalaga, hindi pa aware na naroon siya. Mamaya ay nagdabog na ito. “Kainis naman kasi! Hindi tuloy ako maka-update sa online group projects namin! Buwisit kasing lalaki ‘yon! Imposibleng hindi niya napansin ang cellphone ko!” Napako ang tingin niya rito. Pinagmumura pala siya nito kapag nakatalikod.  Mamaya ay tinawag siya ng ginoo. Napalingon sa kaniya si Aniya. Natigil ito sa pagmamaktol nang makita siya. Para itong binuhusan ng suka at biglang namutla. Lumapit naman siya sa counter at kinuha ang bayad sa kaniyang cellphone. Umatras si Aniya upang bigyang daan siya. “Eh sino ba kasi ang nakasira sa cellphone mo?” tanong ng ginoo sa dalaga. Biglang tumahimik si Aniya lalo nang hagipin niya ito ng mahayap na tingin. Nagsalubong ang maninipis nitong kilay. “Iyong masungit na schoolmate ko po ang nakasira. Guwapo sana kaso parang robot na walang emosyon,” sabi nito pero sa kaniya nakatingin. Hindi pa rin siya kumibo. Nilagpasan lang niya ang dalaga na walang tigil sa pagsasalita against his back. GIGIL na gigil si Aniya habang sinusundan ng tingin si Lucian na palabas ng shop. Ang isa sa kinaiinisan niya ay ang sobrang tahimik nito. Hindi man lang niya mahulaan kung ano ang iniisip nito sa tuwing kaharap siya. Pero ang inis niya ay mababaw lang naman. Mas lamang pa rin ang sikretong paghanga niya sa binata. Iginiit niya na simpleng atrasksiyon lang naman ang nararamdaman niya kay Lucian. Bukod sa kakaibang karesma nito bilang lalaki, gusto rin niya ang medyo suplado pero mahahalata ang care sa ibang tao. Lucian was one of her dream guy. Mabilis siyang ma-attract sa lalaking seryoso at medyo masungit. Nang mahimasmasan ay nakitsismis siya kay Mang Fred. “Manong, ano po ang ginawa ng lalaking iyon dito?” tanong niya sa ginoo. “Ah iyong umalis ba?” “Opo. May iba pa ba?” sarkastikong tugon niya. Natawa lang ang ginoo. “Kuwan, nagbenta siya ng second-hand na cellphone.” “Talaga?” manghang untag niya. “Mamahalin nga ang cellphone niya. Ang brand new nito ay nasa twenty-three thousand. Nabili ko lang ng eight thousand sa kaniya. Siguro kailangan niya ng pera kaya tinanggap na lang ang murang halaga.” Nangunot ang noo niya. Si Lucian mangangailangan ng pera? Sa yaman nito, barya lang ang walong libo. At bakit ito nagbenta ng cellphone? Kung tutuusin ay kaya nitong bumili ng cellphone na triple ang presyo sa napagbentahan nito. Curious tuloy siya. Ang bilis ngang maglabas ng limang libo ni Lucian bilang pambayad sa nasira niyang cellphone. Kalaunan ay kinabahan siya nang maalala na narinig ni Lucian ang pagmumura niya rito dahil sa nasirang cellphone niya. Baka dahil doon ay lalong mainis sa kaniya ang binata. Dahil hindi pa naayos ang cellphone niya, dumiretso na lamang siya sa ospital upang magtrabaho. Biyernes na noon at dumagsa ang maraming pasyente kaya halos maubos ang oras niya kakalinis ng palikuran. Labas-pasok kasi ang mga bantay ng pasyente roon. Sa tuwing weekend pa naman ay fully book ang hotel, kaya mapapasubo rin siya sa maraming trabaho. Wala na siyang pahinga dahil sa Linggo ng umaga at hapon ay sa condo ni Nash siya magtatrabaho. Wala siyang day off. Pagpasok niya kinagabihan sa hotel ay pinatawag siya ni Nash sa opisina nito. Alam na niya ang dahilan. Excited na siyang matanggap ang fifty thousand na loan mula rito. Pagdating niya sa opisina ni Nash ay nadatnan niya ito na naghahapunan. “Sit first, Aniya,” anito. Umupo naman siya sa katapat nitong silya. Natatakam siya sa pagkain nito. Hindi pa kasi siya naghahapunan. “Kumain ka na ba?” pagkuwan ay tanong ni Nash. “Hindi pa, eh. Mamaya pagkatapos ko rito,” naiilang niyang tugon. “Sandali,” ani ni Nash saka itinabi ang plato ng pagkain. Inilabas nito ang kopya ng kasulatan nila saka ibinigay sa kaniya ang isa. “Here’s for you. Huwag mo itong iwawala,” anito pagkuwan. Kinuha naman niya ang kopya niya na notaryado na ng abogado. Pagkatapos ay inabot na sa kaniya ni Nash ang tseke na nagkakahalaga ng limampung libong piso. Malapad siyang napangiti nang hawak na ang tseke. “Wow! Thank you talaga!” “Puwede mo na iyang ideposito, kaso Sabado na bukas. Sa Monday na lang.” “Okay lang. Basta sa Linggo na ako magsisimulang maglinis at maglaba sa condo mo ‘di ba?” “Yap. I’ll call you early in the morning to remind you.” “Sige po. Malaking tulong na ito para sa pagpapagamot ni Nanay!” Napupuno siya ng kagalakan. “That’s all, and you may go back at work. Mag-dinner ka muna,” sabi nito. Tumayo na siya bitbit ang kasulatan at tseke. Nagpaalam na siya. Ang saya-saya niyang lumabas. Itinago muna niya sa kaniyang bag ang papel at tseke. Pagkuwan ay nagtungo siya sa restaurant at kumuha ng rasyong pagkain. Habang kumakain ay binibilang niya ang perang pinagbentahan ng kakanin. Dala-dala pa niya roon sa hotel ang dalawang basket. Ang sabi ni Tara, wala pang tanghali ay ubos na raw ang kakanin at marami pang naghahanap. Mas mabenta raw ang cassava cake at bico. Ganoon din sa canteen ng school, mas mabilis naubos ang kakanin lalo na karamihan sa may gusto ay mga guro. Iniisip pa niya kung paanong sumobra ang pera. Ilang ulit niya itong kinuwenta. Mamaya ay sumagi sa isip niya si Lucian. Nahalinhan ng ngiti ang kaniyang pagkalito. Naibenta pala niya sa binata ang libre niyang cassava cake at hindi pa kinuha ang sukli. Kinuha niya ang isang daang sobra, kanya iyon. Hindi muna niya kukunin ang shares niya sa income. Ire-remit muna niya lahat iyon kay Aleng Koreng.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD