Chapter 12

2196 Words
UNANG Linggo na pagtatrabaho ni Aniya sa condo ni Nash ay bugbog ang katawan niya sa dami ng kalat at tambak nitong labahin. Ang laki ng condo nito at siguro ilang linggong hindi nalilinis kaya naipon ang kalat. Talagang may tiwala sa kaniya si Nash kasi iniwan siya nito sa condo at hapon na bumalik. Pagdating sa ospital ay tinambakan din siya ng maraming trabaho dahil maraming umalis na pasyente sa mga ward. Ganoon din sa hotel, maraming nag-check out na guest at obligadong linisin kaagad dahil may gagamit na ng kuwarto. Wala siyang choice kundi magtiis alang-alang sa kaniyang ina. Malapit nang uuwi ang nanay niya kaya kailangan ng malaking pera pambayad sa bill sa ospital. Kailangan maideposito na niya ang tseke nang ma-withdraw niya. Pagkatapos ang paglilinis sa apat na kuwarto ng hotel ay tumambay siya sa rooftop. Bumili siya ng mumurahing cocktail na paborito niya. Reward niya iyon para sa kaniyang sarili. Isang order ng nachos chips salad naman ang partner niya sa cocktail. Pumuwesto siya sa cocktail table na malayo sa counter. May isang kuwarto pa siyang lilinisin bago uuwi. Twenty minutes break lang ang ibinigay sa kanila kaya mabilisang pagpapak ng salad ang ginawa niya. Feel na feel niya ang pagsipsip ng cocktail habang nakatitig sa counter ng bar. Nang mahagip ng paningin niya ang pamilyar na lalaki ay napamulagat siya. Hindi na siya magtataka bakit naroon na naman si Lucian. Pinsan nga pala ito ni Nash. Walang pasok kaya siguro tumambay ito roon. Nag-order din ito ng cocktail at tacos. Pagkuwan ay naghanap ito ng bakanteng lamesa kaso wala na. Nagkunwari siyang hindi ito napansin. Mamaya ay namataan niya itong palapit sa puwesto niya. Siya lang kasi ang walang partner. At talagang doon nito napiling pumuwesto. “May I sit here?” seryosong tanong nito. Tumango siya. Umupo naman kaagad ito at sinimulang sumimsim ng inumin. Kating-kati na ang bibig niya na kausapin ito ngunit naunahan siya ng hiya. Paubos na ang pagkain niya. Naghihinayang siya sa pagkakataon na sana’y makasama niya ito nang matagal na hindi parehong mainit ang ulo nila. Nagkasya na lamang siyang titigan ang binata. “Don’t stare at me, baka maubos ako,” anito ngunit hindi nakatingin sa kaniya. Nilinis niya ang kaniyang lalamunan. Sumipsip siya sa bending strew kahit wala nang laman ang kaniyang baso. Humugot na siya ng lakas ng loob. “Naka-check in ka ba rito?” lakas-loob niyang tanong. “Nope. Nagpinta ako para sa gustong painting ni Nash.” Namangha siya. Artist si Lucian? “Wow! Nagpipinta ka pala? Ano naman ang mga pinipinta mo?” “Natures view,” tipid nitong tugon. “Ang mamahal siguro ng painting, no?” “Yes, especially the traditional arts.” “Ang galing mo naman! Wala sa hitsura mo ang pagiging artist. Imagine, a future doctor then artist,” puno ng paghangang sabi niya. “Aniya!” tinig ni Ate Erma mula sa malayo. Pumiksi siya at napatayo nang maalala na ubos na ang oras niya. “May trabaho pa pala ako. Maiwan na kita,” nagmamadaling sabi niya saka patakbong lumisan. Sinalubong na niya si Ate Erman. Talagang nagtiyaga itong umakyat doon para lang tawagin siya. Hindi pa kasi niya nakuha ang kaniyang cellphone. Dahil sa pagod ay hindi na siya nakapunta sa mall. Ipapabukas na niya iyon, tuloy ay magdedeposito siya ng tseke. Hindi pa tapos ang trabaho ni Aniya sa isang kuwarto sa hotel ay bumibigay na ang katawan niya dahil sa pagod at antok. Napahiga na siya sa sofa roon sa kuwarto. Nakakapikit na siya nang tumunog ang telepono sa ibabaw ng bedside table. Malamang si Ate Erma ang tumatawag. Lagpas na siya sa oras ng duty niya. Tumayo siya at nilapitan ang telepono saka sinagot. “Hello? Si Aniya po ito sa room 34,” aniya. “Oo, ikaw nga. Si Erma ito. Wala ka bang balak umuwi?” “Eh hindi ko pa po tapos linisin ang kuwarto. Banyo pa lang ang nalilinis ko at nagtanggal ng mga sapin sa kama. Sobrang antok na talaga ako.” “Hay! Sinasabi ko na nga ba! Hala, umalis ka na riyan at nang makauwi. Sobra ka na sa oras.” Bumuntong-hininga siya. Mabuti naman hindi na siya binanatan ng sermon. “Sige ho, iiwan ko na lang ang gamit dito,” aniya pagkuwan. “Oo at nang makapagpahinga ka na. Baka mapagalitan na naman ako ni Sir Nash dahil sa ‘yo.” Napangiti siya. Nang mawala sa linya si Ate Erma ay ibinaba na niya ang receiver ng telepono. Lumabas na rin siya ng kuwarto. Parang lantang gulay siyang nagtungo sa front office upang mag-log out. Pakiramdam niya ay may isang kilo ang bigat ng ballpen. Kinakapos na siya ng hangin at panaka-nakang nahihilo. Pasado alas-tres na ng madaling araw. Natagalan pa siya sa paghihintay ng jeep. Kaya alas-kuwatro na siya nakarating sa ospital. Tulog pa ang kaniyang ina at ang bantay na si Mang Anding. Nahihiya na rin siya sa mag-asawa na salitang nagbabantay sa nanay niya. Dalawang oras na lang ang itutulog niya. Bagsak kaagad siya sa bench at dagling nakatulog. Nang magising si Aniya ay alas-siyete na ng umaga. Hindi niya narinig ang kaniyang alarm clock. Hindi man lang siya ginising ni Mang Anding. “Naku! Uuwi pa pala ako!” bulalas niya. Gising na ang kaniyang ina. Si Mang Anding ay lumabas upang bumili ng almusal. “Matulog ka pa, anak. Hindi ba alas-nuwebe pa ang pasok mo?” ani ni Lolita. “Opo pero kailangan maaga ako kasi magdadala pa ako ng kakanin sa ospital at sa school.” “Bakit kailangan mo pang gawin iyan?” “Eh para pandagdag kita po.” “Anak, tama na. Sobra-sobra na ang sakripisyo mo. Baka hindi ka na makapag-aral ng maayos niyan.” Kinuha na niya ang kaniyang bag. Sa bahay na nila siya maliligo. “Ayos lang po. Nakakaya ko naman. At saka hindi naman ako ang magtitinda. Iiwan lang sa canteen ang mga kakanin. May pursiyento naman sila roon.” “Kahit na. Maawa ka naman sa katawan mo. ‘Tapos sa Linggo meron ka ring pinagtatrabahuhan. Bigyan mo naman ng pahinga ang sarili mo. Hindi ka robot, anak. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan,” puno ng pag-aalalang sabi ng kaniyang ina. “Huwag po kayong mag-alala. Kayang-kaya ko ito, ako pa?” positibong wika niya kahit pakiramdam niya ay nakalutang siya. Nang dumating si Mang Anding ay nagpalaam na siya. Pinabaunan lang siya ng ginoo ng sopas at apat na pirasong pandesal para almusal niya. Pina-cancel na niya ang online selling nila ni Sunshine kasi hindi na niya maisingit sa oras. Pero tumutulong pa rin naman siyang mag-share ng mga post ni Sunshine sa f*******: tungkol sa paninda nitong item. Mabilisang paliligo ang ginawa niya pagdating ng bahay. Nai-remit na niya kay Aleng Koreng ang kita sa kakanin at naibigay ang share sa kaniya. Pinadagdagan naman niya ang bilang ng kakanin na dadalhin niya lalo na ang cassava cake. As usual, ihahatid ulit siya ni Jonie. Mabuti hindi na ito nagreklamo, at himalang tinulungan siyang magbuhat ng basket hanggang sa loob ng ospital at school canteen. Kahit nahihilo dahil sa kakulangan ng tulog ay tumulong pa rin siya sa pagtitinda sa canteen ng school. Mali-late raw kasi ang guro nila sa first subject. HINAHANAP-HANAP ni Lucian ang sarap ng cassava cake. Hindi siya nag-almusal pag-alis ng bahay dahil late na siyang nagising. Mag-uumaga na rin kasi siyang umuwi mula sa hotel ni Nash. Sinumpong na naman ng depresyon si Nash kaya hindi niya iniwan. Naglasing na naman ang pinsan niya. Hindi tuloy niya natapos ang dalawang painting. Inaliw niya ito sa pag-joyride. Dalawang oras silang paikut-ikot sa Metro Manila. Sa huli ay tinulugan lang siya nito. Habang wala pa silang guro ay nagtungo siya sa canteen. Naroon na naman si Aniya at tumutulong sa pagbebenta ng kakanin. Pumila siya. Konti na lang ang natirang cassava cake. Hindi si Aniya ang nag-assist sa kaniya. Mabuti may dalawang cassava cake pang natira. Binili na niya iyon. Doon din siya sa canteen kumain. Umingay lalo sa paligid nang pumasok ang grupo ng nursing student na mga lalaki. Lumapit lahat ng mga ito sa counter. Naroon ang dalawang ungas na nagti-trip kay Aniya. “Hoy, Aniya! Bakit nariyan ka sa loob?” tanong ng mataba. “Siyempre wala ako sa labas,” pilosopong tugon naman ng dalaga. “Pilosopo ka, ah! Wala ka talagang pinagbago.” “Kayo ang dapat magbango! Hindi kayo nararapat dito sa school!” buwelta ni Aniya. “Bigyan mo kami ng bico!” maangas na utos ng matangkad na payat. Konti na lang ay bibinggo na sa kaniya ang mga ito. Siya mismo ang magre-report sa student counsel tungkol sa mga hindi kanais-nais na asal ng mga ito. Palaban si Aniya pero pansin niya na bigla itong nanahimik. Hindi na nito pinapansin ang mga nang-aasar dito. Mamaya ay lumabas na ito ng canteen at naglakad. Kahit ang paghakbang nito ay tila wala sa ayos. She looks pale, and her eyes were about to close. It’s not good. Maya-maya ang kapit nito sa lamesang nadadaanan nito. Sakto nang tumapat ito sa kaniya ay bigla itong nawalan ng balanse. He stood up and caught Aniya at her back. She was unconscious. Iniwan na niya ang kaniyang pagkain at binuhat ang dalaga. Sarado pa ang school clinic kaya dumiretso na siya sa ospital lulan ng kaniyang kotse. May ilang estudiyante at guro na sumunod sa kaniya sa Dela Rama Medical Center. Ipinasok niya sa emergency room ang dalaga at inapura ang doktor na asikasuhin ito. Nakarating din doon ang mga kaibigan ni Aniya. “Ano’ng nangyari kay Aniya?” balisang tanong ng babaeng kaibigan ni Aniya. “Hinimatay siya,” tipid niyang tugon. “My, God! Baka epekto na iyan ng sobrang pagod at palaging puyat niya,” anang babae. Pumasok siya ulit sa emergency room at inalam ang status ni Aniya. Ayon sa doktor, sobrang baba ng blood pressure ng pasiyente. Kinailangan itong ma-admit nang matutukan. Dahil walang nakaaalam ng contact number ng kaanak ni Aniya, siya na lamang ang nag-asikaso sa kailangan nito. Narinig niya mula sa mga kaibigan ni Aniya na nasa ospital din daw ang nanay nito at wala ng tatay. Wala ring cellphone ang dalaga kaya hindi nila alam kung sino ang tatawagan. Dahil oras na ng klase, nakiusap siya sa admin ng ospital na bigyan ng maayos na kuwarto si Aniya. Dahil nagtatrabaho roon ang dalaga, hiniling niya na huwag itong singilin sa bill at ibang gastusin. Mabuti naroon na ang mommy niya. Ito ang kinausap niya na bigyan ng libreng medical assistance si Aniya. “Late ka na sa klase, hijo. Don’t worry about Aniya, and our doctors will take care of her,” sabi nito. Naroon sila sa opisina nito. “I’m just making sure that you will give her medical support since she was working here,” paniniguro niya. “Eh bakit ba ganoon ka kung mag-alala sa kaniya? Is she your friend at school?” “Uh… yes, she was my friend,” sabi na lang niya. “Okay, ako ang bahala sa kaniya. Sige na, bumalik ka na sa school.” “Thanks, mom.” Humalik siya sa pisngi ng ginang bago lumisan. Nailipat na sa private ward si Aniya. Sinilip muna niya ito bago tuluyang umalis. Habang pabalik siya ng paaralan ay tinawagan niya si Nash. Sumagot naman ito kaagad. “Ang aga mo atang tumawag. Kagigising ko lang,” sabi nito sa paos na tinig. “I just want to inform you that Aniya has been hospitalized,” he said. “What?!” Napalakas ang tinig ni Nash. “Hinimatay siya kanina sa school. Mabuti naagapan ko siya at dinala sa ospital. Kung may kontak ka sa pamilya niya, please call them to let them know about Aniy’s situation.” “s**t! Ang alam ko ay nasa ospital din ang nanay ni Aniya. Itatanong ko sa ibang staff kung may alam sila na kaanak ni Aniya. So how’s Aniya?” “She’s still unconscious.” “Hindi kaya dahil sa madalas siyang puyat kaya nagkaganoon?” “Ganoon na nga. Inform mo rin ang staff mo about Aniya’s condition. At baka puwedeng huwag mo nang paabutin ng madaling araw ang duty niya,” pakiusap niya. “Okay, I will talk to my staff about that. But wait, why are you worried about Aniya?” Kinastigo pa siya nito. “I’m just concerned as an individual who noticed Aniya’s sacrifices. I just felt pity for her,” rason niya. “Really? Or maybe you have something special feeling for her,” at natukso siya nito. He grinned. “That’s impossible, Nash. I’m not interested in her.” Tumawa si Nash. “Sige na, naniniwala na ako. Hindi ka nga nagkagusto kay Kimberly, eh. Hindi nga ba?” tukso pa nito. “Lalong wala akong feelings kay Kim.” Nagsisimula na siyang mainis. “I need to ends this call. Papasok na ako sa school.” “Sige, bye.” Hindi na siya sumagot. Pinutol na lamang niya ang linya. Tamang-tama pagpasok niya sa classroom ay kararating ng kanilang guro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD