ALA-UNA na ng hapon nakakain ng tanghalian si Aniya. Hindi pa rin bumabalik si Lucian. Ang bilis ng oras pero hindi pa siya tapos sa pag-aayos ng mga gamit niya. Ang laki ng aparador sa kuwarto niya at sa konti ng mga damit niya ay marami pang espasyo. Naipon na rin ang labahin niya pero ipapabukas na niya ang paglalaba. Merong laundry room doon at sampayan ng damit sa rooftop. Malaking adjustment ang gagawin niya dahil biglang buhay mayaman na siya sa bagong tirahan. Pero siyempre, hindi puwedeng aasa lang siya kay Lucian at sa pamilya nito pagdating sa gastusin. Dahil busy ay hindi niya nahawakan maghapon ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya ito ay mayroon siyang tatlong missed calls mula kay Nash. Meron naman itong mensahe at sinabi lang na okay na ang huling sahod niya, kuwentad

