NAPASARAP ang tulog ni Aniya dahil sa lamig ng kuwarto. Nanibago siya. Ang sarap pang humilata sa malambot na kama at comforter. Nang masipat ang orasang nakasabit sa dingding ay bumalikwas siya ng bangon. Alas-otso na pala ng umaga! Pumasok siya sa banyo at naghilamos. Hindi pa siya nakapag-aayos ng gamit kaya hindi niya maalala kung saang bag niya inilagay ang kaniyang toothbrush at sabon. Nagkalat ang mga gamit niya sa sahig ng kuwarto. Mabuti na lang palagi siyang may baong toothbrush at toothpaste sa shoulder bag na ginagamit niya pagpasok ng trabaho. Ito na lang ang ginamit niya. Tuloy ay naligo na rin siya. Nagsuot lang siya ng bughaw na jogging pants at dilaw na t-shirt. Pagkuwan ay lumabas siya ng kuwarto. Tahimik pa ang bahay. Hindi siya sigurado kung gising na si Lucian o baka

