PINAPALITAN na ni Lucian ang necklace para hindi na napipigtas sa leeg niya at manatiling suot niya ang pendant. Dalawang beses na iyong napigtas dahil maluwag na rin ang lock kaya minsan ay nakalilimutan niyang isuot ulit. Maghapon siyang tulog sa bago niyang bahay kaya hindi rin siya nakapagtrabaho. Hanggang alas-nuwebe bukas ang laboratory at naroon siya bago magsara. Pinauwi muna niya ang staff bago siya umalis lulan ng kaniyang Jaguar. He went to Golden Goose Hotel to meet Nash. Nag-chat na siya rito at sinabing doon siya sa hotel magdi-dinner. Saktong pagdating niya sa restaurant nito ay naroon na ang pinsan niya at naghihintay sa lamesa. Nakapag-order na ito ng pagkain. Pansin niya sa tuwing suot niya ang pendant na binigay ni Mang Elmer ay tinatanggap ng sikmura niya ang lutong p

