NAPANATAG ang loob ni Aniya nang makarating sila ni Lucian sa inuupahan niyang bahay. Noong isang gabi kasing umuwi sila ni Jonie ay may humarang na namang kotse sa kanila. Pero alerto rin itong si Jonie. May kontak na pala itong tanod at pulis. Nakalusot sila sa mga walanghiya. Samantalang sinorpresa siya ni Lucian matapos ang ilang araw na hindi nito pagpaparamdam sa kaniya. Nakapagdesisyon na rin siya na lumipat ng tirahan dahil ilang gabi siyang nakaramdam na tila may umaaligid sa labas ng bahay. Kaso wala pa siyang nahanap na lilipatan. Nahihiya naman siyang makitira kina Jonie. Pumasok din sa bahay si Lucian at feel at home na umupo sa sofa. “Kailan mo balak umalis dito?” tanong nito. Nagtatakang tiningnan niya ito. Nakatayo siya sa tapat nito habang naghuhubad ng sapatos. “Alam

