Chapter 48

2175 Words

INAYOS ni Aniya ang kama sa kuwarto ng Nanay niya upang doon patulugin si Lucian. Nakabihis na ito paglabas ng banyo. Katulad noong unang punta nito sa bahay nila, pinahiram ulit niya ito ng maluwag na kamesita at underwear. “Sa kuwarto ka na ni Nanay matulog. Inayos ko naman, eh,” sabi niya nang datnan niya ito sa salas. Panay ang hatak ni Lucian sa short pants na nalalaglag. Maluwag iyon sa baywang nito. Short pants kasi iyon ng nanay niya na ibinigay sa kaniya. Mataba ang nanay niya kaya hindi rin magkasa sa kaniya kasi maluwag. “Ang sikip ng panty mo pero ang luwag naman ng pants,” reklamo nito. Namaywang siya. “Sa susunod kasi na gagala ka, magbaon ka ng damit. Sana nilabhan mo ang brief mo para isuot mo kapag natuyo. Pati pantalon mo napupunit, eh,” palatak niya. Tiningnan siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD