ALIW na aliw si Aniya habang nagkukuwento si Nash tungkol sa pamilya nito. May problema rin ito sa mga magulang nito na gusto umanong ipabenta kay Nash ang hotel at mag-migrate na ito sa US. Pero mas pinili ni Nash na manatili sa Pilipinas. Nakalagpas na sila sa highway na buhol-buhol ang traffic nang mapansin niya ang itim na kotse na nakabuntot sa kanila. Una ay iniisip niyang baka nataon lang na iisang daan sila na tinatahak. Pero nakarating na sila sa barangay nila pero nakabuntot pa rin ang kotse. Alas-onse na ng gabi at konti na lang ang taong pagala-gala sa kanto. Maaga siyang pinauwi ni Nash dahil ayaw nitong abutin siya ng madaling araw sa hotel. Nag-panic na siya nang mapansing nakasunod ang kotse kahit papasok na sila sa kalsada patungo sa bahay niya. “Nash, may sumusunod sa

