HINDI kumalas ng yakap si Aniya kay Lucian hanggat hindi ito kumakalma at bumabalik sa katawang tao. Naibsan ang kaba niya nang maramdaman na unti-unting lumiliit ang katawan nito. Hinahapo ito. Kumilos na ang mga kamay nito at niyapos siya. Pangko na siya sa mga hita nito nang tuluyan itong bumalik sa katawang tao. Natukso siyang unahan ito ng halik sa mga labi upang bumalik nang buo ang diwa nito. Kumilos naman ang mga labi nito at tumugon sa kaniyang halik. Ang init ng katawan nito ngunit sakto lang na buhayin din ang alab sa kaniyang kaibuturan. Wala na ang takot niya at pag-aalinlangan. Handa na siyang tanggapin nang buo si Lucian. Kung sa paraang iyon niya ito mapapaamo, ibibigay niya ang kaniyang sarili. Sumabay siya sa rubrob ng halik nito at likot ng galaw. Hinayaan niya ang mg

