Chapter 43

2352 Words

IYAK NANG IYAK si Aniya nang mapansing lalong nanghihina ang kaniyang ina. Ang dami na nitong habilin sa kaniya. “Kahit hindi na ako magpaopera, anak. Wala rin naman iyong silbi. Nanghihina na ako,” sabi pa ng ginang. Lalong nanikip ang kaniyang dibdib. Ginagap niya ang kanang kamay nito. “Nay, huwag po kayong susuko. Kailangan ninyong maoperahan sabi ng doktor,” aniya. “Pero bumibigay na ang katawan ko, anak. Baka hindi na kayanin ng katawan ko ang operasyon. Maaring makatulong ang operasyon pero kung ako ang masusunod, huwag na. Bibigay rin naman ako. Masasayang lang ang gagastusin ninyo.” “Huwag po ninyo isipin ang gastos. Sinagot na po lahat ni Ma’am Mildred ang gastusin.” “Si Mildred ang kinalakihang ina ni Lucian. Alam na ba niya na ako ang tunay na ina ni Lucian?” “Hindi ko po

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD