PAGKATAPOS mag-almusal ay bumalik ng ICU si Aniya. Nagpaalam naman si Nash dahil kailangan nitong mag-report sa hotel. Sinabi na rin niya rito na hindi muna siya papasok sa hotel. Samantalang pinaghahanda na sila ng doktor para sa nakatakdang operasyon ng kaniyang ina. Dahil siya ang kamag-anak, siya lang ang puwedeng pumirma sa waiver. Nagkasundo na sila ni Lucian na kahit anong mangyari ay matutuloy ang operasyon. Iyon lang kasi ang paraan upang matulungan ang kaniyang ina kahit singkuwenta pursiyento ang pag-asa na maka-survive ito. At least, ibinigay nila lahat para madugtungan ang buhay ng ginang. Sasagutin ng mommy ni Lucian lahat ng gastusin. Pagsapit ng tanghali ay hindi namalayan ni Aniya na nakaalis na si Lucian. Iyak kasi siya nang iyak habang kausap ang kaniyang ina na nagh

