MAAGANG umuwi ng bahay si Lucian. Hindi pa rin maganda ang mood niya. It’s clear to him that Dr. Ignacio wants to get his sympathy for his hidden agenda. Of course, his mother would agree since Dr. Ignacio was her best friend. Malinaw na sa kaniya na gusto siyang ireto ng mga ito kay Kimberly na bunsong anak ni Dr. Ignacio.
Kimberly was a lovely woman, brilliant and gorgeous, but sorry, his mind did not yet settle to have a relationship with a woman. Maraming mas mahalagang bagay na gusto niyang unahin. Isa pa, ayaw niya na ipinipilit siya sa bagay na hindi niya gusto.
He doesn’t want to act rude, but Dr. Ignacio seems to want to persuade him to follow what he wants. And what he hates the most is that his mom has nothing to do but accept her friend’s plan. It’s no sense. Hindi na uso ang arranged marriage. Nakasisira ito ng karapatan ng bawat tao na gustong sundin ang kagustuhan.
Maaga ring nakauwi ng bahay ng mommy niya. Dahil ayaw niyang makipag-usap dito, umalis siya ng bahay. Nagpaalam naman siya at pumayag ito. Nagmaneho siya ng kotse patungo sa condo ni Nash. Nash was the only guy he trust with. Kahit hindi niya ito tunay na kadugo, higit pa sa pamilya ang samahan nila. Nash was his childhood friend. Magkaedad lang sila nito.
Nadatnan niya na magulo ang condo ni Nash. Nagkalat ang basyong lata ng beer sa sala, maging chips na lumambot na. His cousin looks pale and broke. Aware naman siya sa biglaang hiwalayan nito at ni Sandy. Saksi siya kung paanong umusbong ang pagmamahal nito kay Sandy. Kaya hindi siya magtataka bakit heto ito at lasing.
“Huhulaan ko, may problema ka kaya bigla kang napadpad dito,” sabi nito, naunahan na siya.
Lumuklok ito sa couch habang may tinutunggang beer. Umupo naman siya sa katapat nitong couch.
“Ilang araw ka nang lasing?” diretso niyang tanong.
“Nice question,” amuse nitong sabi.
Iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid. Inaagiw na ang chandelier sa kisame.
“Magpalinis ka naman ng unit. Parang bahay ng gagamba itong condo mo,” prangkang sabi niya.
Tumawa si Nash. “Actually kauuwi ko lang dito kanina. One week akong pagala-gala. Madalas ay sa hotel ako natutulog.”
“Natutulog ka pa?” aniya, nanatiling seryoso.
“Ikaw talaga. Huwag mo naman akong binabara. Minsan na nga lang tayo mag-bonding. Inom ka,” anito saka naghagis sa kaniya ng isang lata ng beer.
Sinalo naman niya ito at binuksan. He hates liquor, but he’s willing to grant what Nash wants. Hindi naman siya maglalasing kasi magmamaneho pa siya.
“I can’t stay overnight in this messy place,” aniya matapos tumungga ng beer.
Ngumisi si Nash. “Ang selan mo talaga. Huwag kang mag-alala, may nakausap na ako na maglilinis dito every Sunday,” anito.
“That’s good. Puwede ka na ring mag-hire ng bagong girlfriend, iyong hindi ka lolokohin.”
Tumawa na naman si Nash. “Silly. Ano’ng akala mo sa girlfriend, napupulot lang sa kalsada?”
“So, what are your plans now?”
“Nothing. I just want to drunk all day and night.”
“Hangal! Susunugin ng alak ang atay mo. Kapag nangyari ‘yon, hindi kita tutulungan.”
“Okay lang. Kilala na kita, Lucian. I know how hard your ego is. Kung kasing tigas mo lang sana ako, sana hindi ako nasasaktan ngayon.”
Bigla siyang naawa kay Nash nang masilayan ang paglandas ng maninipis na luha sa magkabilang pisngi nito.
“Sabihin mo lang, makikinig ako,” udyok niya rito.
Humagulgol na si Nash. First time niya itong nakitang humagulgol. Ganoon pala kasakit magmahal, nakahihibang.
“Ang sakit kasi. I thought I was enough. I did anything to maintain our healthy relationship, but I was wrong,” puno ng pait nitong pahayag.
“Not all healthy relationship will remain healthy. Parang katawan ng tao, habang nagkakaedad, humihina ang pundasyon, rumurupok lalo kung may mali sa pag-aalaga,” komento niya.
“Ano naman ang mali, Lucian?”
“Kung wala sa iyo ang mali, nasa babae. Hindi por que maalaga ka, ganoon din ang babae. At saka, ang feelings ay kayang baguhin ng nature at environment. Sa case mo, maaring hindi na sapat para kay Sandy ang benepisyong nakukuha niya sa iyo. Or maaring nabaling na sa iba ang interes niya.”
“You’re right. Though it was a mistake, Sandy stood her mistake, and she made it right. Kaya pala ayaw na niya akong kausapin kasi nahihiya siya. Pero ang masakit doon, sa iba ko pa nalaman na buntis siya. Hindi na ako nagtanong dahil alam ko sa sarili ko na hindi akin ang ipinagbubuntis niya. I never touch her because I want marriage before s*x. You know that I came from a religious and conservative family. I respect Sandy, and even she had a dark past. Pero sana hindi ganoon kasakit ang ginawa niya hindi ba? Puwede naman niya akong kausapin nang maayos,” kumpisal nito.
“Wala na tayong magagawa riyan. It has done since Sandy admitted that she was pregnant, and she’s willing to stand for her mistake. Kung magpapadaig ka sa emosyon, lalo kang matatalo. I know moving on in your situation was not easy, but you don’t have a choice.”
“I know. Ngayon lang naman ito. Gusto ko lang munang palipasin ang sakit.”
“Alam kong kaya mong bumangon. But please, stop consuming liquor; it didn’t help lessen your pain. Saglit ka lang palilimutin pero sisirain niyan ang katawan mo at pag-iisip.”
“So ano ang gusto mong gawin ko?”
“Mag-unwind tayo sa ibang paraan, the healthy one. Gawin mo iyong mga bagay kung saan ka mabilis maka-recover.”
“Gusto kong mag-joyride pero ikaw ang gusto kong kasama. Gusto ko sa malayong lugar, iyong walang traffic.”
“Okay, may naisip na akong lugar.”
“Gusto ko bukas ng gabi ang alis natin. Uuwi na lang tayo bago sumikat ang araw.”
Pabor naman siya sa gusto nito kaysa lumaklak ng alak. “Okay, I’m in.”
“Thanks, Lucian. Isa kang bayani.”
He chuckled. Inubos lang nila ang laman ng kanilang inumin. Pagkatapos ay sinamahan niya itong nagtungo sa hotel nito. Tumambay sila sa rooftop. Nagpaligsahan sila sa paglangoy sa swimming pool doon. Mas malaki ang penthouse nito kaysa sa bahay nila.
Kahit lasing si Nash ay mahusay pa ring lumangoy. Kaya nasungkit nito ang gold metal sa Asian game noong nakaraang taon dahil sa husay nito. Bata pa lamang sila ay lumalahok na ito sa swimming competition at palaging nananalo. Wala naman siyang hilig sa sports. He loved arts. Focus lang din siya sa pag-aaral.
Pagkatapos lumangoy ay nagreklamo si Nash na nagugutom. Tumawag ito sa restaurant at nag-order ng pagkain nila.
“Sa penthouse na lang tayo kakain,” sabi niya.
“Ah no, dito na lang. Magulo pa sa loob ng penthouse at ilang araw nang hindi nalilinis,” anito.
Nakaluklok lang sila sa gilid ng pool, sa may hagdanan.
“Bakit hindi mo ipalinis sa housekeeper mo?”
“Actually ngayon pa lang dapat ako magpapalinis. Wait, tatawag muna ako sa front office upang ibaba sa housekeeping department ang utos ko. Nakakahiya naman sa iyo.” Tumayo ito at sandali siyang iniwan. Pumasok ito sa penthouse.
Hinahangaan niya si Nash dahil sa kakaibang dedikasyon nito sa buhay. Nash was an independent guy. Though he came from a noble family, Nash chose to stand on his own feet. The Golden Goose Hotel was already closed since his parents couldn’t manage the company due to busy politics and other elite businesses worldwide.
Hindi minana ni Nash ang hotel, kundi binili nito gamit ang sariling pera. Hindi totoo ang balita tungkol doon, na namana nito ang hotel sa magulang. Ibinibenta noon pa ang hotel pero since luma na, wala nang nagkainteres dahil sa malaking gastos pagdating sa renovation. Pero pinagtiyagaan itong ayusin ni Nash.
Ginamit nito ang income mula sa modeling at sports para maipaayos ang hotel. And now, the hotel has passed the three star rating in department of tourism. Konting improvement pa at makakukuha na ito ng five star rating.
Pagbalik ni Nash ay may dala na itong red wine. Mabuti hindi na matapang na alak ang gusto nitong inumin. May dala rin itong dalawang kopita.
“May maglilinis na ng penthouse,” sabi nito nang makaupo nang muli sa gawing kaliwa niya.
Binuksan nito ang bote ng wine saka sinalinan ang dalawang kopita. Gusto muna niyang kumain bago uminom ng wine. Maya-maya ay dumating na rin ang pagkaing in-order ni Nash. Una niyang nilantakan ang beef teriyaki at konting kanin.
KATATAPOS lang maglinis ng dalawang kuwarto si Aniya nang utusan siya ni Ate Erma na maglinis sa penthouse. Utos daw iyon ni Nash. Wala naman siyang choice dahil boss ang nag-utos. Pero alam niya hindi naman siya talaga ang inutusan, naipasa lang sa kaniya. Karamihan sa mga kasama niya sa night duty ay may edad na. Siya lang ang pinakabata.
Malaking pushcart ang dala niya at nakalagay roon lahat ng gagamitin niya panlinis. Nasa eighth floor ang penthouse kaya nagbaon siya ng snack niyang pan de coco. Ibinigay lang iyon sa kaniya ni Ate Glenda, dalawang peraso. May baon na rin siyang tubig.
Pagdating sa ikawalong palapag ay dumiretso siya sa penthouse. Pinindot niya ang door bell. Ilang beses niya iyong ginawa ngunit walang nagbubukas ng pinto. Malamang naroon si Nash sa loob. O baka naman nakatulog na ito. Paano siya maglilinis?
Iniwan niya sa tapat ng pinto ang pushcart saka naglakad-lakad sa paligid. Palapit na siya sa swimming pool nang mamataan si Nash na patungo sa direksiyon niya. Tanging puting boxer lang ang suot nito. Hindi siya makatiis na huwag itong suyurin ng tingin. Nakagugutom ang kaseksihan nito. Mabuti na lang naroon ito. Hinintay niya itong makalapit.
“Sir!” tawag niya rito nang mapansing nag-iba ito ng direksiyon.
Awtomatiko itong huminto at lumingon sa kaniya. Bigla itong ngumiti.
“Aniya,” sambit nito saka humakbang palapit sa kaniya.
“Opo. Ano kasi, magpapalinis daw ho kayo ng penthouse,” aniya.
“Ah, yes. Ikaw ba ang pinadala upang maglinis?”
“Yes, sir.”
“Okay, follow me.”
Sumunod naman siya rito pabalik sa penthouse. Binuksan na nito ang pinto at pinapasok siya.
Napangiwi siya nang bumungad sa kaniya ang magulong kagamitan. Ang daming nagkalat na basyo ng beer at natuyong sarsa ng kung anong kinain nito. Mukhang doon na matatapos ang duty niya sa magdamag.
“Pasensiya ka na, ah. Naparami ang inom ko kahapon at wala na akong time iligpit ang kalat,” sabi nito.
“Ayos lang po. Kayang-kaya ko ito.” Una niyang pinulot ang nagkalat na basyo ng beer in can saka inipon sa garbage bag na dala niya.
“Anyway, I remembered last night. We were talking about loan.”
Pumihit siya paharap dito. Ginupo siya ng galak nang malamang hindi nakalmutan ni Nash ang napag-usapan nila.
“Seryoso ho ba kayo roon?” aniya.
“Oo naman. Ikaw, okay ba sa iyo?”
“Okay na okay!”
“Good. Bukas ay gagawa na ako ng kasulatan natin. Fifty thousand loan and one year to pay. Basta sa tuwing Linggo ka maglilinis sa condo ko. Ang rate mo ay 600 a day. Pero kung okay sa iyo na ipaglaba na rin ako, dadagdagan ko ng five hundred persos. Okay ba?”
Malapad siyang ngumiti. “Malaking bagay na po iyon. Kaya ko naman maglaba.”
“May washing machine naman ako. At saka hindi naman ganoon kalaki ang condo ko. Libre ka naman ng pagkain. Basta mag-start ka ng umaga, mga eight in the morning until five.”
“Sige po. Pero automatic na siyang kakaltas sa loan ko, ‘di ba?”
“Yap.”
“Ayos! Salamat, sir!”
“Uh, teka, may bank account ka ba?” pagkuwan ay tanong nito.
“Meron po kaso ilang buwan ko nang hindi nahuhulugan. Pero naa-access ko pa naman.”
“Sige, ganito na lang. Ibigay mo sa akin ang bank account details mo para doon ko na ididiposito ang fifty thousand. Hindi kasi ako basta naglalabas ng pera, so via bank transfer na lang kung meron akong pagbibigyan.”
“Naintindihan ko po. Pero bukas ko na po ibibigay ang detalye kasi hindi ko kabisado ang account number.”
“No problem. Sige, dito ka na muna. Sa labas lang ako kasama ang pinsan kong naliligo sa pool. Kung may kailangan ka, puntahan mo lang ako, okay?”
“Okay po!”
Pagkuwan ay umalis na si Nash. Sinimulan na rin niya ang paglilinis. Iniwan sa kaniya ni Nash ang susi ng kuwarto nito. Pati raw doon ay linisin niya. Hindi man lang ito nag-alangan na baka may mawalang gamit. Kung sa bagay, sakaling may mawala roon ay walang ibang sisihin kundi siya.
Una niyang nilinis ang kuwarto. Mas makalat ito. Tinanggal niya ang bed sheet na amoy panis na alak. Pati kumot at punda ng unan ay inalis niya. Magre-request na lang siya ng pamalit sa mga iyon.