Chapter 8

2173 Words
GINIGINAW na si Lucian. Hinanap niya ang kaniyang hinubad na damit at pants. Saktong nakabalik na si Nash. “Ayaw mo na bang maligo?” tanong nito. “Giniginaw na ako,” tugon niya. “Sorry nakalimutan kong kumuha ng tuwalya. Sa banyo ng penthouse ko na lang ikaw magbanlaw. Doon sa kuwarto.” “Wait, where’s my cloths?” palinga-lingang tanong niya. “Nadala ko kanina sa penthouse. Akalo ko damit ko,” natatawang sabi nito. Napasintido siya. “Kakalasing mo ‘yan.” Tumayo na siya. “Ang bilis mo namang sumuko sa tubig. Mamaya ka na magbanlaw.” Tinabihan siya nitong muli. “Hindi ko na kaya ang ginaw. Ikaw rin, magbihis ka na.” “Lalangoy pa ako. Mauna ka na. May towel na roon sa banyo. Bukas lang naman ang pinto roon at may naglilinis.” “Sige. Maiwan na muna kita,” paalam niya saka tumayo. “Balik ka rito pagkatapos mong maligo, ah. Kung gusto mo hiramin mo muna ang damit ko sa kuwarto. Bahala ka na.” “Salamat pero iyong hinubad ko na damit na lang. Malinis pa naman iyon,” wika niya habang naglalakad palayo sa pinsan. “Iniwan ko lang sa sofa sa sala ang damit mo!” pahabol nito. Hindi na siya kumibo. Diretso ang pasok niya sa penthouse. Hindi naman naka-lock ang pinto. Pagdating sa sala ay wala namang nagkalat na damit. Malinis ang sofa. Baka nagkamali si Nash at hindi sa sofa nito iniwan ang damit niya. O baka nasa kuwarto nito. Nakabukas ang pinto ng kuwarto ni Nash. Naroon sa loob ang banyo nito. Meron din namang banyo malapit sa kusina. Mas gusto niya roon sa kuwarto dahil malapit sa closet. As he came inside the bedroom, he heard a woman’s voice singing. The voice was soft and cold, parang boses ng singer sa church. Ang sarap pakinggan. Nagmumula sa banyo ang tinig na iyon. Boses lang nito ang umuugong, no words, parang solemn lollaby. Nakabukas ang pinto ng banyo. Nagmumula roon ang boses. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan at akmang sisilip ngunit biglang may matulis na bagay na lumusot sa pinto at tinamaan siya sa dibdib. “Aray!” daing niya. Biglang lumitaw ang babaeng may hawak na mop, na siyang tumama ang dulo sa dibdib niya. “Ay palaka!” bulalas nito nang makita siya. Nagkagulatan sila, lalo na siya nang makilala ang babae. Ilang sandali siyang tulala at napapaisip. Ano’ng ginagawa roon ni Aniya? Pati ba naman doon sa hotel ng pinsan niya ay nakarating ito kaka-mop ng sahig? “Ikaw?” panabay nilang sambit. Kumurap-kurap ang dalaga sabay suyod ng tingin sa kabuoan niya. Napako ang nanlalaki nitong mga mata sa direksiyon ng kaniyang puson. He was just wearing a black underwear. Para itong nakakita ng multo sa hitsura nito. “Ang sipag mo naman. Nakarating ka ritong mag-mop,” seryosong sabi niya, to distract her and stop staring at his six pack abs. Umangat ang paningin nito sa kaniyang mukha. Manghang-mangha pa rin ito. “S-Sir Lucian! A-ano’ng ginagawa n’yo rito?” anito pagkuwan. Aywan niya bakit naiirita siya sa tuwing tinatawag siya nitong ‘sir’. Sa iba okay lang namang tawagin siyang ganoon kahit kaedad niya o mas matanda. Why this woman causes an unusual emotion to him? “I’m Nash’s cousin,” he answered seriously. Hindi na siya magtatanong kung bakit naroon si Aniya. Marahil ay ito ang pinatawag ni Nash upang maglinis ng penthouse. Lumabas ng banyo ang dalaga pero iniwan sa loob ang mop. Mabuti hindi nito iyon inilabas. O baka iyon din ang ginagamit nitong panglampaso sa sahig sa sala at kuwarto. “Pasensiya na kung natamaan ka ng handle ng mop. Eh hindi ko naman alam na may tao pala,” anito. Hindi na siya kumibo. Sumilip siya sa banyo. Malinis na roon at tuyong-tuyo ang sahig. Hinanap na lang niya ang kaniyang damit na dinala roon ni Nash. Namataan niya si Aniya na bitbit ang basket na lagayan ng maruming damit. Nanlaki ang mga mata niya nang makita roon ang kamesita niya at pantalon. Hinabol niya ito nang palabas ng kuwarto. Nagulat pa ito nang agawin niya rito ang basket ng damit. “Ay! Bakit ba?” asik nito. “Bakit inilagay mo rito ang damit ko? Malinis pa ito!” aniya. “Damit mo?” maang pa nito. “Oo. Dinala ito rito ni Nash dahil akala niya ay sa kaniya!” “Eh nakita kong pakalat-kalat sa sofa kaya kinuha ko. Malay ko bang damit mo ito at malinis,” katwiran nito. Ang galing talaga nitong mangatwiran. “Hindi ka ba marunong tumingin ng malinis o marumi? Wala pang isang oras na suot ko ito.” Itinaas niya ang kaniyang damit. Humaba ang nguso ang dalaga. Lalo siyang nairita sa mukha nito. “Sorry na po, sir. Hindi ko naman talaga alam.” “I said stop calling me, sir!” napipikon nang asik niya. Pinalaki pa nito ang butas ng ilong, tila inaasar pa siya. “Oh, e ano gusto mong itawag ko sa iyo? Ma’am?” Lalong uminit ang bunbunan niya. Noon lang siya napikon nang ganoon sa babae. At saka iba ang trato nito sa kaniya roon kaysa sa school o sa ospital. Nagiging pilosopo ito. Ibinagsak niya sa sahig ang basket ng damit. Ngunit nang mapansing nakapamaywang at nakatitig lang sa kaniya ang dalaga ay nawalan siya ng sasabihin. He hates argument, lalo kung katulad nito na magaling sumagot ang kalaban niya. Mauubusan lang siya ng pasensiya. Mamaya ay bumukas ang main door at pumasok si Nash. Naabutan sila nito na hindi maganda ang titigan sa isa’t-isa. “Hey! What’s happening here?” ‘takang tanong ni Nash. Humakbang ito palapit sa kaniya. Dumistansiya na siya. Umamo muli ang mukha ni Aniya nang harapin nito si Nash. Tila nagpapa-cute pa ito sa pinsan niya. “Wala naman, sir. Ito kasing pinsan ninyo nagagalit kasi naihalo ko sa labahing damit ninyo ang hinubad niyang damit. Eh hindi ko naman alam, eh. Akala ko damit n’yo rin iyon,” paliwanag nito. Ang galing talagang mangatwiran. Masama pa rin ang tingin niya rito. “Ah gano’n ba? Akala ko naman may nagawa kang mas mabigat na kasalanan. Don’t worry, I’ll talk to my cousin. Ituloy mo lang ang paglilinis baka abutin ka ng umaga rito,” sabi naman ni Nash. “Sige po,” ani ni Aniya saka nagtungo na sa kusina. Sinipat pa siya nito at nginitian. Walang kibo naman siyang pumasok muli ng kuwarto. Sinundan naman kaagad siya ni Nash. “Huwag ka nang magalit, insan. Hiramin mo na lang ang damit ko at pants,” sabi nito. Kumalma na rin siya. “Bakit ba lagi kong nakikita ang babaeng iyon?” maktol niya habang namimili ng damit sa closet ni Nash. Nilapitan siya nito at inakbayan. “Huwag kang magalit kay Aniya. Mabait nama iyon at masipag. Tuwang-tuwa nga ako roon. Ang cute niya, ‘di ba?” Natigilan siya. Bihira niya marinig si Nash na humahanga sa isang simpleng babae. Hinarap niya ito. Napaghahalataan niya na tila matagal nang kilala ni Nash si Aniya. “Did you know her?” he asked while his forehead knotted. “Oo naman. Empleyado ko siya rito sa hotel.” “Maliban sa empleyado, nagkakilala na kayo before?” “Hindi naman. Actually nito ko lang siya na-notice as one of our working students here. Nag-aaral din siya sa Dela Rama Medical School, ka-schoolmate mo. Hindi ko lang alam kung ano ang kurso niya, maaring nursing. At dahil sa sipag niya at dedication sa trabaho, nag-offer ako ng part-time job sa kaniya.” “Anong part-time job?” “Maglilinis siya sa condo ko at ipaglalaba ako every Sunday. Pumayag naman siya.” Lalong nangunot ang noo niya. Saan kaya kumukuha ng lakas ang babaeng iyon? Hindi pa ito nakontento sa trabaho sa ospital nila at sa hotel ni Nash. Napailing siya. “She’s impossible,” komento niya. “You’re right. Nakamamangha ang kasipagan ni Aniya. I like her,” nakangising sabi nito. “You liked her?” bulalas niyang tanong. Tumawa nang pagak si Nash. “Hey! Ano ba ang iniisip mo? I like Aniya as a woman. You know, she’s fantastic, a wife material. Ang suwerte ng lalaking mahuhulog sa kaniya. At saka cute naman siya.” “So gusto mo nga siya.” Humalakhak si Nash. Bihira ito tumawa nang ganoon, lalo na sa sitwasyon nito na brokenhearted. “Silly. Hindi naman gusto to the point na mai-in-love ako sa kaniya. Natutuwa lang ako kasi kahit broke ako ay nagagawa niya akong aliwin sa simpleng conversation namin.” Hindi na siya nagkomento. Mas mainam na ring nakatagpo ng taong maglilibang dito si Nash. Pero ang inis niya kay Aniya ay mababaw lang naman. As an introvert guy, he always hates attention, lalo na ang nonsense conversation. Nang makapili ng damit na isusuot ay pumasok na siya ng banyo. Bubuksan na sana niya ang shower nang mapansin niya ang old model phone pero touch screen. Nakapatong ito sa itaas ng bathtub na walang lamang tubig. Nagpi-play ang mahinang music mula rito. Nang galawin niya ang screen nito ay lumitaw ang wallpaper. Picture ni Aniya ang naroon na kasama ang ginang na siguro nasa fifty something ang edad. Habang nakatitig siya sa litrato ay unti-unti niyang napansin na pamilyar sa kaniya ang mukha ng ginang. May anggulo sa mukha nito na tila nakita na niya pero maaring sa ibang tao. And the odd here was his heart's reaction while gazing at the image of the woman. His heartbeat is fast, and it creates a strange emotion. Hindi naman kamukha ni Aniya ang ginang na kasama nito. Kaya hindi siya sigurado kung nanay nito iyon. Nang mag-off ang screen light ng cellphone ay binuksan na niya ang shower at naligo. NALINIS na ni Aniya ang kusina at sala. Naroon na sa sala si Nash at binalot na ng puting tuwalya ang ibabang katawan nito. Nakaluklok ito sa stool chair sa tapat ng island counter. “Ang bilis mong maglinis, ah,” sabi nito. “Opo, kailangan, eh. May dalawang kuwarto pa kasi akong lilinisin,” aniya. “Huwag mo na iyong linisin. Ipapasa ko na lang sa iba. Magpahinga ka na at mamaya ay maari ka nang umuwi at nang makatulog ka.” “Ho? Eh may dalawang oras pa akong natitira.” “Ako na ang bahala. Tatawagan ko si Ate Erman. Sasabihin ko na may trabaho ka pa rito. Puwede kang tumambay sa labas kung ayaw mo pang uuwi. Mag-order ka ng inumin at snack sa bar. Wait,” sabi nito saka kumuha ng papel at ballpen. Matapos iyong sulatan ay ibinigay sa kaniya. “Ayan, ipakita mo roon sa bartender para bigyan ka ng inuming gusto mo at snack. Order ko iyan,” sabi nito. Titig na titig siya sa papel. Talagang isinulat nito ang utos sa bartender at may pirma pa. “Paano kung hindi ako paniwalaan?” aniya. Ngumisi si Nash. “Kung ayaw kang paniwalaan, bumalik ka rito at sabihin sa akin. Ako ang pupunta sa bar.” Matabang siyang ngumiti. “Salamat po.” “No worries. Sige na, maari ka nang umalis.” Lumabas naman siya tulak-tulak ang kaniyang cart. Iniwan niya lang sa gilid ng bench sa tapat ng swimming pool ang pushcart saka lumapit sa bar counter. Ibinigay niya sa lalaking bartender ang sulat ni Nash. Mariing kumunot ang noo nito. “Pakibigyan si Aniya ng gusto niyang inumin at snack. Order by Nash,” basa nito sa nakasulat. Pagkuwan ay tumitig ito sa kaniya. Kilala naman siya ni Bobby dahil madalas siyang tumambay roon. “Si boss ang nagbigay niyan,” nakangiting sabi niya. “Alam ko, may pirma niya, eh. O baka pineke mo lang ito,” nakangising sabi nito. “Hindi, ah! Naglinis ako sa penthouse niya kanina at sinabi niya na mag-order ako rito at charge sa kaniya.” “Sus. Totoo ba ‘yan?” “Gusto mo tawagin ko siya?” “Huwag na! Kilala ko ang sulat-kamay ni Boss. Mamili ka na ng order mo,” anito pagkuwan. Ngingisi-ngising tumingala siya sa menu sa itaas. Pinili niya ang pinakamurang cocktail. Pero bumawi naman siya sa snack na Hawaiian barbecue at french fries at Mexican tacos. Nang makuha ang order ay pumuwesto siya sa cocktail table malayo sa counter. Stool chair lang ang upuan doon. Habang pumapapak ng fries ay naalala niya ang kaniyang cellphone. Napaangat siya sa kaniyang upuan. Naiwan niya iyon sa penthouse, sa banyo ng kuwarto! Minsan lang naman siya nagdadala ng cellphone sa tuwing maglilinis kahit puwede naman. Tumatawag kasi minsan sa kaniya si Ate Erman lalo kung natatagalan siya sa isang kuwarto. Puwede silang magdala ng cellphone sa workplace nila, basta huwag lang sila papahuli na ginagamit iyon sa oras ng trabaho, o may kausap na hindi konektado roon sa hotel. Iniwan niya ang kaniyang pagkain saka tumakbo patungong penthouse. Pindot siya nang pindot sa door bell pero walang nagbubukas ng pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD