WALA namang nakitang problema ang doktor sa katawan ni Lucian. Dumaan na ito sa MRI o magnetic resonance imaging at nakita ang loob ng katawan nito. Dahil wala pang malay si Lucian, si Aniya ang kinausap ng doktor. Doon lang naman sa Dela Rama Medical Center dinala si Lucian. Naiwan siya sa private ward na kinaroroonan ni Lucian kasama si Dr. Santa Anna. “Ano ba ang napansin mo sa kaniya bago siya nagpakita ng sentomas?” tanong ng doktor. Nakaupo lang siya sa silya katabi ng kama ni Lucian. Tinitingnan ng doktor ang pisikal na katawan ng pasiyente. “Bigla lang po nagbabago ang mood niya. Ang una kong napansin ay parang may masakit sa katawan niya. Namilipit siya sa sakit at nagsuka,” kuwento niya. “Okay naman ang MRI result niya pero may na-detect na kakaibang cells sa dugo niya.” “An

