NAPAYAKAP na lang si Aniya kay Nash nang hindi na niya kaya ang kaniyang emosyon. Hirap na siyang huminga dahil sa labis na paninikip ng kaniyang dibdib. Mugto na ang kaniyang mga mata dahil sa walang puknat na pagdaloy ng luha mula rito. Hindi talaga nagpaawat si Lucian. Umalis ito at walang nagnasang humabol. Hinayaan na rin ito ni Mang Elmer. “Bigyan muna natin siya ng panahong mapag-isa. Apektado siya dahil sa pagkamatay ng tatay niya. Maaring hindi niya matanggap ang kaniyang nagawa,” sabi ng ginoo. Tulala siyang nakatingin sa mga pulis na nililigpit ang katawan ni Tedio. Hindi na iyon bumalik sa katawang tao kaya planong susunugin na lamang. Wala siya sa wisyong sumusunod kay Nash. Pabalik na sila sa kanilang bahay lulan ng kotse nito. Ayaw pa niyang umuwi ng Maynila dahil umaasa

