NAGING abala si Aniya sa trabaho niya sa laboratory. Madalas din siyang isama ni Miranda sa business meeting nito at tinutulungan ito sa paperwork. Kahit papano ay nababaling ang oras niya sa trabaho at pansamantalang nakalilimutan ang lungkot. Sa kabila ng paglilibang, hindi pa rin sumusuko ang kaniyang puso. Patuloy siyang umaasa na babalik pa rin si Lucian. Nag-hire si Miranda ng tao na maghahanap kay Lucian saang sulok ng bansa na merong bundok. Sabado ng gabi ay sumama si Aniya sa party na imbitado si Miranda. Wedding anniversary iyon ng kaibigan nitong businesswoman. Ginanap ang party sa isang hotel sa Pasay City. Katagalan ay nasasanay na rin siyang makipag-socialize sa mga kilalang tao. Okay na sana dahil naaaliw siya sa party pero biglang may nagtanong tungkol kay Lucian. Pareh

