DANAYA Ang bigat sa loob ko na iwan ang puntod ng anak ko, pero kailangan ko nang umalis dahil bukod sa gabi na ay malakas na rin ang ihip ng hangin at mukhang uulan pa. Dahan-dahan akong tumayo at nagpunas ng luha sa pisngi matapos haplusin ang nakasulat na pangalan ng anak ko sa lapida. Hindi ko alam kung kailan ako babalik dito, kaya sinulit ko ang pagkakataon na makasama ko siya. Kung pwede ko lang sana siyang samahan kung nasaan man ngayon ang anak ko, ay ginawa ko na para hindi siya doon mag-isa. Nanghihina ang pakiramdam ko nang makalapit ako sa sasakyan ko. Narito pa rin ang kotse ni JC. Hindi siya umalis kahit inabot na kami ng gabi dito sa sementeryo, which I appreciate naman dahil hindi niya ako iniwang mag-isa. Papasok na sana ako sa kotse ko, pero hindi ko mahanap ang su