DANAYA Sa wakas ay lumipas na ang malakas na bagyo. Mabuti na lang at matibay ang pagkakagawa ng beach house, kaya wala kaming ibang napinsala maliban sa nabasang mga kagamitan sa ibaba ng bahay. Mabuti na lang at alerto kami kahapon ni JC. Nagawa naming maiakyat ang bigas at rice cooker sa second floor ng bahay, kaya nakapag-saing kami ngayong araw. Thankful ako na kasama ko siya, kaya hindi ako nahirapan. Dahil sarado ang mga pintuan dito sa ground floor kaya walang basura ang pumasok. Nabasa lang ang mga gamit namin, pati na rin ang sahig, kaya tanging ito ang nilinis namin ni JC. “Baby, careful. Don't lift heavy things,” sabi sa akin ni JC nang makita niyang itinulak ko ang sofa para makapag-mop ako sa ilalim nito. Hindi pa kasi namin ito mailabas ngayon para patuyuin dahil wala p

