"SI Orion ba 'yong kausap mo?" Lumingon ako sa pinagmulan ng boses. Hindi ko man lang naramdaman ang pagbaba ni Tita Rowan habang kausap ko kanina si Orion. Nasa Davao City ulit ito para sa inspection ng gagawing extension ng factory. Hindi ako nito isinama. Even if I wanted to, he already decided to travel alone. Ayoko namang pilitin siya na isama ako. Sa loob ng nagdaang mga taon, masasabi kong alam ko na kung ano ang ayaw at gusto ni Orion. "How's my son? Nasa Davao City na raw ba siya?" Tumayo ako at tiningnan lang si Tita Rowan. Hindi ako sumagot. Kung gusto niyang malaman kung nasaan na si Orion, tawagan niya ang anak niya. Akmang lalampasan ko na siya, pero hinawakan niya ako sa braso. Matapang ko naman siyang hinarap. "Nagiging maldita ka yata?" taas-kilay na sabi niya. "

