APRUBADO na ang dalawang building para sa gagawing extension ng factory ng DT&C sa Laguna. Sasailalim daw muna ang mga gusali at buong lugar sa iba't ibang klase ng assessment para matiyak ang safety ng mga magtatrabaho roon. Kapag nakapasa sa assessment, sisimulan na rin ang paglalagay ng mga kagamitan, equipment at mga makina na kakailanganin para sa pagpapatakbo ng manufacturing company. Halos patapos na kami nang dumating si Maricar sa site. Kausap ko ito kanina at binilinan ko na sumunod. Akala ko nga ay uuwi na kami pagkatapos, pero hindi pa pala. "Let's have dinner first bago tayo maghiwa-hiwalay," sabi ni Lady Kim. "Joni said there's a nearby restaurant that serves bulalo. Nagpa-reserve na ako ng mesa para sa ating lahat." "That's so thoughtful of you, Lady Kim," sagot ko. "Pe

