“Hey Gimel!”
Unti-unti siyang natigilan sa paglalakad at marahang inalis ang suot na earphone sa kaniyang tenga.
“Akala mo ba papalampasin ko ‘yong ginawa mo kanina sa cafeteria?” nakangising tanong sa kaniya ni Joseph kasama ang kaniyang mga kabarkada na kasalukuyang palapit sa kaniya.
“Joseph, ayaw ko ng away at ayaw kong madamay ulit sa ano mang gulo,” ani nito dahilan upang unti-unting mawala ang ngisi ni Joseph sa labi.
“At talagang may gana kang sabihin iyang ulol ka. Eh, sino ba naman sa atin ang lapitin ng gulo at nakapatay na ng tao?” sarkastikong tugon ni Joseph na siyang hindi na nga nakapagtimpi pa at mahigpit na hinawakan ang magkabilaang kwelyo ni Gimel. “Walang sino man ang pwedeng sumagot-sagot sa akin maliwanag ba?!”
Isang napakalakas na tunog ng suntok ang siyang umalingawngaw sa paligid at ngayon ay nakaupo na nga si Gimel sa lupa habang nakatikom ang kaniyang mga kamao at sinusubukan ngang magtimpi ng kaniyang galit.
“Habang maaga ay let me introduce to you kung sino-sino ang mga dapat mong respetuhin sa paaralan na pinasukan mo.”
Unti-unting naglakad si Joseph upang itayo si Gimel mula sa pagkakabagsak sa lupa at nanlilisik ang mga mata nitong tinignan ng diretso si Gimel.
“Wala kang karapatan para hindi sundin ang ano mang iuutos ko sa’yo, nagkakaintindihan ba tayo?!”
Halos manginig ngayon ang mga kamao ni Gimel dahil sa pagpipigil niya sa kaniyang sarili. Buntong hininga siyang umiwas ng tingin kay Joseph at napapikit nga ng tuluyan nang muli’t muli na namang sumakit ang ulo niya kasabay ng pagpapakita ng mga bangungot niya mula sa kaniyang nakaraan.
“How could you do this to my son Gimel?!”
“I—I’m so sorry tita—but please let me explain everything—“
“Explain what Gimel?! Naging mabuting kaibigan si Henry sa’yo pero ganito lang ang isusukli mo sa kaniya!? Ang dapat sa’yo ay mabulok sa kulungan at tulad ng ginawa mo sa anak ko ay dapat mamatay ka nalang ding demonyo ka!”
“Nagkakaintindihan ba tayo!?” pag-uulit muli ni Joseph na hindi nga makapaniwalang tinignan sa mata si Gimel nang hindi siya nito inimik bagkus ay nakatingin lang ito ngayon ng diretso sa kaniya.
“Ahak! (F*ck it!)”
Kasabay nang sigaw na iyon ni Joseph ay ang akma niyang pagsuntok muli sa mukha ni Gimel ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nauna siyang tumilapon at tumama sa kabilang pader na may kalayuan sa kanila bago pa man muling maidampi niya ang kaniyang kamao sa mukha ni Gimel.
Agad na napatingin si Gimel sa kaniyang kamao at ngayon ay maski siya gulat na gulat din sa kaniyang nagawa at sa kakaibang lakas o pwersa na mayroon siya para itilapon si Joseph mula sa kinatatayuan nila hanggang sa halos dalawampung metrong layong pader.
“Y—yawa!” bulalas ni Willie Cruz na siyang walang pasubaling sinugod si Gimel ngunit mabilisan ngang nakaiwas ito na siyang litong-lito ngayon sa mga nangyayari at tila ba may kakaibang nararamdaman ngayon sa kaniyang katawan.
Nang akmang susuntukin na siya ni Willie ay buong pwersa siyang nauna para suntukin ito na tulad nga ni Joseph ay tumilapon din ito hanggang sa pader na may kalayuan sa kanila.
Dahilan ang kakaibang pangyayaring ito upang unti-unting mapaatras ngayon ang ibang mga kabarkada ng dalawa na kalaunan ay sabay-sabay ngang tumakbo paalis sa pinangyarihan.
“P—paanong?” tanong ngayon ni Gimel sa sarili na siyang nanlalaki ang mga matang tinignan sina Joseph at Willie na halos hirap nga kung tumayo ngayon.
“How dare you”—ani ni Joseph na unti-unting inilabas ang maliit ngunit matalim na kutsilyo mula sa kaniyang bulsa—"Pisti kang yawa'a ka! (Screw you, you fuckhead devil!)”
Unti-unting napaatras si Gimel na dahil nga sa takot sa hawak na patalim ni Joseph ay mabilisan na nga itong tumakbo paalis.
“Bumalik ka ritong hayop ka!”
_________________________
“What happened to your face anak? Napaaway ka ba?” sunod-sunod na tanong ng ina ni Gimel nang umupo na ito sa hapagkainan para sa umagahan.
Hindi na niya naabutan pa ang pag-uwi ng kaniyang anak kahapon dahil hatinggabi na nang nakauwi sila mula sa family dinner na siyang hindi sinipot ni Gimel.
“I’ve told Javier na hindi na niya kailangang sundin ang request mo sa kaniya na samahan ako,” pag-iiba ni Gimel sa usapan na siya ngang ibinaba ang hawak na kutsara at tinidor at tiyaka tinignan ngayon ng diretso ang kaniyang ina. “You don’t need to do that, dahil tulad ng sinabi ko sa inyo hindi ko po kailangan ng tulong niyo.”
“Gimel, you don’t talk to your mom like that—“
“Hon, it’s okay,” pakli ng ina nito na siyang marahan ngang hinawakan ang kamay ng kaniyang asawa. “Gimel, I’m so sorry anak, I’ve just thought na mas makakabuti na may makasama ka during your first day kaya kinausap ko si—“
“And I don’t think that’s a good idea at all. Huwag niyo nalang akong pakialaman pwede po ba?”
“Ang lakas din naman ng loob mo para sabihin ‘yan, paanong hindi ka namin papakialaman iho gayong nakatira na tayong lahat ngayon sa iisang bubong? Whether you like it or not iho, nanay mo pa rin ang asawa ko kaya’t may responsibilidad siya sa’yo,” pakling muli ng asawa ng kaniyang ina dahilan upang mapahinga siya ngayon ng malalim at tuluyan ngang tumayo mula sa pagkakaupo.
“Hon,” sambitla ng ina ni Gimel na siya ngang hinigpitan ang hawak sa kamay ng kaniyang asawa.
“Mauna na ho ako”—ani nito na siyang ibinaling ang tingin sa kaniyang ina—“and you don’t need to drive me to school anymore.”
“Gimel why not—“
“I want to breathe fresh air habang papunta sa school and you don’t need to worry, hindi ako maglalakad, instead, I will use the bicycle that you bought for me,” pakli ni Gimel na tuluyan na ngang tinalikuran ang mga ito.
“Just let him mom, dili siya mamati sa bisan unsa nga imong isulti (hindi ka naman papakinggan niyan kahit anong sabihin mo) because he is a freaking ungrateful brat,” usal ni Diego.
“Diego, iyang bunganga mo,“ suway ng kaniyang ina na siyang tinignan nga si Gimel na nakatalikod ngayon sa kanila at natigilan sa paglalakad palabas ng bahay.
“Gimel anak—“
Buntong hininga siyang nagpatuloy sa paglakad palabas ng kanilang bahay nang hindi na nga pinatapos ang sasabihin ng kaniyang ina.
_________________________
Unti-unting binagalan ni Gimel ang pagpapatakbo ng kaniyang bisikleta nang malapit na siya sa kanilang paaralan.
“What the heck!?”
Napasigaw ito sa gulat nang may biglang humarang sa kaniyang daanan at kamuntikan na nga itong natumba nang bigla niyang ipreno ang bisikleta.
“A—afiya?”
“Oh my gosh! I’m so sorry Gimel,” natatawang sambit nito na siyang hawak-hawak na nga ngayon ang handlebar ng bisikleta ni Gimel upang tulungan ito na hindi matumba.
“Ano bang trip mo at bigla-bigla ka nalang tumatawid sa harap ko?”
“Trip? Wala,” nakangiting ani nito na siya ngang bumitaw na sa handlebar ng bisikleta nang bumaba na si Gimel mula rito. “I just want to give you something.”
“Seryoso?” sarkastikong tanong ni Gimel na siyang hawak-hawak nga ang bisikleta habang naglalakad na papunta sa paaralan.
“Yup,” sambitla ni Afiya na siyang hinarangan nga si Gimel sa kaniyang dadaanan at iniabot ang isang suman.
“Ano ‘to?”
“Suman—“
“Alam kong suman ito—pero para saan ito?”
Natigilan nga si Afiya at napakunot ng noo dahil sa tanong ni Gimel.
“Bakit parang ang init ata ng ulo mo ngayon unlike kahapon noong una na tayong nagkausap?”
“None of your business,” sagot ni Gimel na siyang nilagpasan na si Afiya at nagpatuloy na nga sa paglalakad.
“Napasobra iyong bigay sa akin kaya tatanungin sana kita kung gusto mo,” saad ni Afiya na siyang hinabol nga si Gimel at sinabayan ito sa paglalakad.
“And ‘yon lang iyong dahilan mo kung bakit mo ako hinarangan kanina?”
“Y—yup?”
Buntong hininga ngang tumigil na si Gimel sa paglalakad at tuluyan na ngang ipinarada ang bisikleta kasama ng ibang mga sasakyan.
“Bakit ba ang init-init ng ulo mong lalaki ka ha? Dahil ba diyan sa pasa mo sa mukha? Napaaway ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Afiya dahilan upang matigilan si Gimel at harapan na nga siya ngayon.
“Please don’t pretend like gusto mong makipagkaibigan sa akin—“
“I’m not pretending though—“
“You don’t need to pity me. Hindi ko kailangan ng awa o tulong ng iba. Alam kong nilalapitan mo ako dahil naaawa ka na parang pinandidirian nila ako at kinatatakutan. Just be yourself at matakot ka rin sa akin kong takot ka,” pakli ni Gimel na siyang muli’t muling nilagpasan si Afiya at pumasok na nga sa kanilang paaralan.
“Hoy teka lang—“
“Afiya? What are you doing here at bakit nakauniform ka na? Abi nakog hapon ka musulod? (Akala ko hapon ka pumapasok?)” sunod-sunod na tanong ng isa sa mga kaklase ni Afiya dahilan upang hindi na niya nasundan pa si Gimel sa pagpasok sa elevator.
_________________________
“Did you hear the news nga si Joseph ug Willie naa karon sa ospital (na nasa hospital daw ngayon sina Joseph at Willie)?”
“Really? Ano na naman bang grupo ng mga adik ang nakaaway nila?”
“Ang sabi eh hindi naman daw gang iyong nakalaban nila pero isang estudyante raw dito sa school natin sabi nong mga kabarkada nila.”
Mga nagkalat na bulungan ng mga estudyante nang pumasok si Gimel sa kanilang classroom.
Patuloy siyang naglakad papunta sa kaniyang upuan at maingat ngang umiwas na makasalubong ng kaniyang mga mata ang mga tinginan ng mga kabarkada nila Joseph na tila ba takot na takot ngayon sa presensya nito.
Nang makaupo nga ito ay agad niyang isinaksak sa magkabilaan niyang tenga ang earphone na lagi niyang dala saan man siya pumunta.
“Kinsa kana nga estudyante? (Sino naman kaya iyong estudyanteng 'yon?)”
“Excuse me ladies, may kaklase ba kayong Gimel Trevor Perez?”
Natigilan nga ang mga dalaga sa kanilang pag-uusap nang pumasok sa classroom nila ang isang binatang estudyante na ngayon ngay pagkalaki-laki ng ngiting binati ang mga dalaga.
“A—abrax,” sambitla ng isa sa mga dalaga na tila baga nanginginig pa ang boses dahil sa kabang kaharap niya ngayon ang isa sa mga estudyante sa paaralan na kinahuhumalingan ng halos lahat ng kababaihan.
“Do you have?” muling tanong ni Abrax na siyang dahilan upang matauhan ang mga ito halos sabay-sabay ngang tumango at itinuro si Gimel sa likuran.
“Thank you ladies,” nakangiting sambit nito na siyang tuluyan na ngang naglakad palapit sa kinauupuan ni Gimel.
Walang pasubali nitong inalis ang nakasaksak na earphone sa kabilang tenga ni Gimel at ang ngiting taglay niya kanina’y napalitan ngayon ng isang nanlilisik na mga mata habang diretsong nakatingin kay Gimel.
“Gimel Trevor Perez, you need to go to the principal’s office now,” ani nito na siyang dahilan upang kunot noo siyang tignan ni Gimel. “Regarding sa dalawang estudyante na natagpuang injured kahapon.”
At dahilan nga ang sinambit nito upang mabaling ang buong atensyon ng ibang estudyante sa kanila ngayon na halatadong gulat na gulat nga sa kanilang narinig.