Unang Bahagi: Kabanata 10

1559 Words
“Mister Gimel Tevor Perez, ang eskwelahan na ito ay may reputasyong pinanghahawakan hindi lang sa buong Pilipinas but internationally. Hindi ako makapapayag na ang isang estudyanteng tulad mo ang sisira nito.” Hindi ito inimik ni Gimel bagkus ay nanatili nga siyang tahimik at nakatuon ang atensyon sa bintana. “I know your past Mister Perez pero pinalipas ko iyon dahil sa pakiusap ng mama mo. Huwag mo naman sanang sayangin ang bagay na ito.” Muli’t muling hindi siya inimik nito dahilan upang mapabuntong hininga siya’t mapakamot ng kaniyang ulo. “Mister Perez nakikinig ka ba?!” “Gimel nakikinig ka ba sa akin?!” “Sabihin mo sa akin ang totoo please lang, pinatay mo ba talaga si Henry?” “I didn’t.” “A—ano? Mister Perez, papalampasin ko ang bagay na ito pero—“ “Self defense—self defense ang ginawa ko Mister President. Nauna nila akong inatake kaya noong pangalawang pagkakataon na susuntukin na sana ako ulit ni Joseph ay prinotektahan ko lang ang sarili ko,” pakli ni Gimel na siyang dahilan upang matauhan ang presidente ng paaralan. “I’m so sorry Mister Perez pero kung ako ang tatanungin ay mas paniniwalaan ko ang halos sampung taong nagtestigo na ikaw ang nagsimula ng away. And knowing your past ay mas madali talagang paniwalaan na ikaw ang may gawa ng gulo.” Tuluyan ngang natigilan si Gimel unti-unting napaiwas ng tingin dahil sa sinabing yaon ng presidente. “Pero don’t worry hindi ka naman maaalis o mapaparusahan, I just want you to know na huwag mo na lamang uulitin ito. Your father Mister Harold Ocampo is one of our school fund donors kaya pasalamat ka at maliligtas ka—“ “No,” sambitla ni Gimel na siyang dahilan upang kunutan siya ng noo nito. “What do you mean no Mister Perez?” “He is not my father—“ “Oh, I know na stepfather mo siya pero parang ganon na rin ‘yon—“ “No, it’s not. Ayaw kong idamay sila sa gulong ginawa ko kaya kung ano man ang parusang kaakibat ng ginawa ko ay tatanggapin ko. At kahit pa na tatay ko man talaga siya ay hindi pa rin ako makakapayag na gamitin ‘yon upang takasan ang parusa ng kasalanan na siyang hindi ko naman talaga ginawa. Pero para matapos na at hindi na lumala pa ay tatanggapin ko po ang parusa Mister President.” _________________________ “Nanduon ‘yong mga magagamit mo sa pagkacut ng grass,” ani ni Abrax na siyang tinanguan ni Gimel. “By the way, I’m Abrax at ako ang president ng student council dito. If ever na gumawa ka na naman ng kahit na anong gulo ay ako na mismo ang magpepetition na tanggalin ka sa paaralan na ito,” patuloy ni Abrax na siyang tinalikuran na nga si Gimel at iniwan sa napakalawak na school field na siya ngang lilinisan ni Gimel. Makalipas ang ilang minuto ay halos kalahati na rin ng school field ang nalinisan niya dahilan upang mapabuntong hininga siya ngayon at mapahiga sa gitna ng field dahil sa pagod. Dahil sa liwanag ng sikat ng araw ay marahan nga niyang ipinikit ang kaniyang mga mata habang dahan-dahang nilalanghap ang sariwang hangin. “Talaga bang ikaw ang gumawa non kina Joseph?” Agad nga siyang napamulat ng kaniyang mga mata nang marinig ang boses na iyon. “And what exactly are you doing here?” “Coke?” tanong nito sabay abot ng malamig na can ng coke kay Gimel. “O’ come on, alam kong naiinom ka na at pagod ka na kaya kunin mo na ‘to.” Buntong hininga ngang umupo si Gimel mula sa pagkakahiga at tuluyan ngang kinuha ang coke. “I have heard na halos ma-injured daw pati spine ng dalawa—did you seriously did that?” “Afiya I don’t want to explain anything to you, at pwede ba tulad ng sinabi ko layuan mo nalang ako—“ “I like you Gimel,” ani ni Afiya na siyang nagpatigil ng husto sa binata’t kunot noo ngang tinignan ito. “I like you to be my friend,” nakangiting patuloy ng dalaga sabay abot ng suman kay Gimel. “And what I am offering you is a true friendship at hindi iyong pagkakaibigan na bunga lamang ng awa.” “Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo? Halos lahat ng estudyante dito ay nilalayuan ako because they consider me as a criminal. Tapos ikaw lalapit sa akin at sasabihin na gusto mo akong maging kaibigan? Seryoso?” Tumango ngang marahan si Afiya at tinignan ng diretso si Gimel. “Oo.” “At pwede ko bang malaman kung bakit?” “I don’t think you can. For the meantime ay secret muna pero sasabihin ko iyon kung kaibigan na kita,” sagot ni Afiya na siyang tumayo na nga mula sa pagkakaupo at pinagpag ang palda ng kaniyang uniporme. “Inumin mo na ‘yang coke at kainin mo na rin itong suman nang hindi ka mahimatay dahil sa pagod at init ng araw.” Tuluyan na nga siyang tinalikuran nito at bumalik nang muli sa loob ng paaralan. Napasinghap nang tuluyan si Gimel at binuksan na nga ang hawak na coke. _________________________ Alas-sais na ng hapon nang matapos si Gimel sa paglilinis hindi lang sa school field kundi maging sa opisina ng mga guro at ng presidente ng paaralan. “Kuya, last bag, palita na kuya pag uli nako sa amoa. Baynte kilos lang kini. (Kuya last na supot na po, bilhin niyo na po kuya nang makauwi na ako sa amin. Bente lang po isang kilo)” Kunot noong natigilan si Gimel sa paglalakad habang hawak-hawak ang kaniyang bisikleta na hindi niya muna minamaneho ngayon nang dahil sa pagod niya. “Pasensya na bata pero—“ “Okay ra kuya. (Ayos lang ho kuya)” Tumango nga ang bata at tumalikod na kay Gimel. “Teka lang bata, ibig kong sabihin ay pasenya dahil hindi ako marunong mag-bisaya kaya hindi ko naintindihan ‘yong sinabi mo kanina,” pakli ni Gimel na dahilan upang sumibol ang ngiti sa mukha ng bata. “Ang sabi ko po ay bente po itong kalahating kilo ng kamatis. Bilhin niyo na po kuya para makauwi na ako sa amin,” ani ng bata na siyang dahilan upang ngumiti at tumango si Gimel. “Sige bilhin ko na iyan,” ani ng binata na siyang iniabot nga ang isang daang peso sa bata. “Laki naman po ng pera niyo kuya, swerte ka at marami na akong pinagbentahan kaya’t masusuklian—“ “Naku huwag na, sa’yo nalang iyang sukli, ibili mo ng makakain o hindi kaya ay baon mo na nalang.” “Naku! Maraming salamat ho kuya,” ani ng bata na hindi na nga napigilan ang sarili na yakapin ang binata. Ngunit kapwa ngayon natigilan ang dalawa nang makarinig ng malakas na sigaw mula sa malapit na iskinita. “M—mauuna na ho ako kuya—at kayo rin po, kung ako po sa inyo ay aalis na ako sa lugar na ito bago pa man nila kayo makita,” ani ng bata na kung kanina ay pagkalaki-laki ng ngiti ay ngayon naman ay nanlalaki ang mga mata at tila nanginginig. “Nila? Sinong nila bata?” “Kuya, basta umalis na lang kayo bago pa man sila lumabas sa iskinitang ‘yan,” sagot ng bata na siyang mabilisan ngang tumakbo dahilan upang maiwang tulala at nagtataka ngayon si Gimel. “Patawarin niyo po ako Ginoong Ebraheem,” rinig na boses ni Gimel mula sa iskinita dahilan upang mapakagat siya ngayon ng ibaba ng kaniyang labi at maingat ngang naglakad palapit sa iskinita upang mas marinig pa ang usapan ng mga tao sa loob nito. “Patawarin? Ilang araw ka nang walang ibinibigay sa amin Tunku at nagugutom na ang mga kasama ko dahil diyan sa katangahan mo!” sigaw ng lalaki sa isang lalaki na kasing-liit lamang ng bata na nasa dalawang taong gulang. At kasabay nga nito ang pagsampal ni Ebraheem ng pagkalakas-lakas sa pisngi niya. “Hindi ko naman akalain na aalisin ang alaga ko sa hospital—“ Nanlaki nga ang mga mata ni Gimel nang mabitawan niya ang hawak na bisikleta na siyang naglikha ng napakalakas ng tunog. Natigilan ang lalaki sa pagsasalita nang mabilisang takpan ni Ebraheem ang kaniyang bibig kasabay nang paglibot nito ng kaniyang mga mata sa paligid dahilan upang madaliang pumasok ngayon si Gimel sa gate ng pinakamalapit na bahay mula sa iskinita. At dahil nga sa kaba nito ay napapikit siya ngayon ng kaniyang mga mata at itinikom ang kaniyang mga kamao. “Mukhang may tao sa paligid Ginoong Ebraheem,” ani ng kasama ni Ebraheem dahilan upang mapabuntong hininga ito at kalaunan ay tila isang kisap-matang naglaho sa kaniyang kinatatayuan. “Anong ginagawa mo rito at ano ang iyong pangalan?” Nag-aalinlangang iminulat ni Gimel ang kaniyang mga mata ngunit natigilan siya nang maramdaman ang malamig na kamay na nakahawak ngayon sa kaniyang pulso. Unti-unti niyang ibinaling ang tingin sa nakahawak ngayon sa kaniyang pulso at kasabay nang pagkunot niya ng kaniyang noo ay ang siyang sandaling pagtama ng mga mata nilang dalawa. “A—afiya?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD